Pagala-galang rapist, arestado

NAGWAKAS ANG MASA-SAYANG araw ng isang rapist matapos ang dalawang taong pagtatago sa batas nang gahasain ang isang 16-anyos na dalagita makaraang mahuli itong pagala-gala sa labas ng kanilang bahay kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Naaresto ang suspek na si Jimmy Predas y Orata, 37, binata, ng No.116 Magsaysay St., 6th Ave, East Gracepark, Caloocan City sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Carlos M. Flores-Malabon RTC Branch 73.

Ayon sa rekord, nagsimula ang kaso noong 2009 matapos gahasain ng suspek ang biktimang si Joan (di-tunay na pangalan) na noo’y 16-anyos pa lamang matapos itong dalhin sa Malabon Hotel sa Brgy. San Agustin at paulit-ulit na ginahasa.

At nang makaraos ay iniwan nito ang biktima na parang walang nangyari subalit lingid sa kaalaman nito at paglabas ni Joan ng hotel ay nagtungo ito sa himpilan ng pulisya ng Malabon at sinampahan ng kaso ang suspek.

Kamakalawa ng hapon, isang tawag ang natanggap ng Caloocan Police na nakikitang nakatambay sa labas ng kanilang bahay ang suspek na nagresulta sa pagkakadakip kay Predas.

Si Predas ay nahaharap sa kasong Rape in relation to RA 7610 at hindi napagkalooban ng pansamantalang kalayaan. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.