‘Pag walang trabaho
Jennylyn Mercado, nakababad kay Luis Manzano!


‘Kapag walang ibang trabaho pala si Jennylyn Mercado after Party Pilipinas at Showbiz Central every Sunday ay dinadalaw nito ang kanyang boyfriend na si Luis Manzano sa Sarah G Live!, ito ang inamin sa amin ng TV host-actor nang makausap namin s’ya sa kanyang dressing room kamakailan lang.
Sa katunayan, matapos naming makakuwentuhan si Luis ng ilang minuto that Sunday evening, nakita na namin si Jen sa loob ng dressing room ng binata at ni Gab Valenciano na kararating lang.
Mukhang dumiretso na nga agad ang Kapuso actress sa bakuran ng ABS-CBN right after Showbiz Central dahil nakaayos pa ito.
Bagamat dinadalaw ni Jen si Luis sa ABS, hindi lang namin alam kung pinapanood pa nito ang buong show sa loob ng studio, o maaaring sa TV na lang ito nanood sa loob ng dressing room.
Actually, kinumpisal din sa amin ng pa-nganay ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto na maging s’ya ay pumupunta rin minsan sa Showbiz Central kung wala rin daw s’yang trabaho ‘pag Linggo para dalawin din at sunduin ang kanyang nobya, pero hindi rin daw s’ya nakikita ng mga studio audience dahil siguro ay nandoon lang s’ya sa loob ng dressing room ng dalaga.
Noong nakaraang 32nd birthday ni Luis last April ay nabalitaan namin na sinorpresa raw ito ni Jennylyn sa kanyang bahay sa Greenmeadows sa Pasig kasama ang kanilang non-showbiz friends.

BALITA NAMIN, pinakamalakas daw ang tilian at sigawan ng mga advertisers sa nakaraang ABS-CBN trade event nang lumabas ng stage sina Richard Gomez at Dawn Zulueta na parte pa rin pareho ng bagong yugto ng namamayagpag pa ring teleserye sa primetime TV na Walang Hanggan.
Bukod daw sa dalawa ay maganda rin ang pagtanggap nu’ng gabing ‘yon sa bagong tambalan nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap na magsasama sa unang pagkakataon sa drama series tuwing tanghali na Be Careful With My Heart.
Pero may katotohanan kaya ang tsika ng aming source na hindi umano gaanong mainit ang pagtanggap ng mga tao from the advertising world sa nasabing trade show kay Vice Ganda, bagay na aming ipinagtataka?

SPEAKING OF Vice Ganda, ipinahiram pala nito minsan ang kanyang van kay Kim Chiu para makauwi ng bahay pagkatapos ng It’s Showtime, kung saan nag-guest co-host ito habang nasa Amerika si Anne Curtis.
Naiwan kasi ng driver ni Kim nu’ng araw na ‘yon ang susi ng kanyang Hummer sa loob mismo ng naturang sasakyan habang nakaparada sa labas ng lobby ng ABS-CBN building.
Hanggang makaalis si Kim gamit ang van ni Vice ay pilit na sinusungkit ng kanyang driver ang susi sa loob ng Hummer mula sa medyo nakababang bintana ng driver seat.

ANG CANDIDATE no. 22 na si Queeneerich Rehman ang nakasungkit ng korona bilang Miss World Philippines 2012 nu’ng Linggo ng gabi na ginanap sa The Tent sa Manila Hotel at ipinalabas ng live sa TV5.
Taga-Las Piñas ang 23-year-old stunner na may taas na 5’7” at ka-batch daw ni Shamcey Supsup sa Bb. Pilipinas 2011.
Sa gala night pa lang na ginawa sa Dusit Thani Hotel sa Makati last week ay early favorite na ang dalaga.
Pero kahit naging succesful ang presentation ng Miss World Philippines 2012 sa TV5, hindi pa rin humihinto sa pagdadasal ang franchisee nito sa bansa na si Cory Quirino dahil this time ay hangad na talaga nitong makuha ng Pilipinas ang korona ng Miss World 2012 na hindi pa rin natin napapanalunan mula noon.
Ang pinakamataas pa lang na nakuha natin ay ang Miss World 2011 1st Princess na nakamit ni Gwendoline Ruais last year na ikinaligaya at ipinagmalaki naman ni Cory at ng buong Pilipino.
Nabalitaan namin na baka may posibilidad daw na mag-bid ang ating bansa thru Department of Tourism para rito ganapin ang Miss World 2015, kaya lang daw ay aabot ng milyun-milyon ang halaga para mangyari iyon.

TAPOS NA ang shooting ng pelikulang pagbibidahan ni Erich Gonzales at ng Thai heartthrob na si Mario Maurer na kinunan sa Ilocos at sa Bangkok, Thailand.
Samantala, ipinalabas naman nitong buwan lang dito sa atin ang Thai romantic-comedy movie na ATM na pinagbidahan ng mga kapwa artista ni Mario sa kanilang bansa na sina Chantawit Thanasevee na may dating Christian Bautista at si Preechaya Pongthananikorn na may hawig naman kina Grace Lee at Shaina Magdayao.
May posibilidad din kayang gumawa ng Tagalog film si Chantawit, gaya ni Mario?
May nag-tsika sa amin na mas marunong daw mag-ingles si Chantawit kaysa kay Mario dahil writer din daw ito sa Thailand bukod sa pagiging modelo at artista.
Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

5 thoughts on “‘Pag walang trabaho
Jennylyn Mercado, nakababad kay Luis Manzano!

  1. laging nakababad ang uten ni luis sa puke ni jennilyn tapos habang subo subo nya burat nl john loyd!!! ganun ba iyun!!! bakla si luis!!!

  2. TANGA C LUIS KUNG PAPAKASALAN NYA C JENNYLYN BUKOD SA LASPAG NA YAN MAHILIG PA SA LALAKE AT MALAMANG IPUTAN DIN CYA NYAN SA ULO. KAWAWANG LUIS MANONG HUMANAP KA NG MATINONG BABAE.

Leave a Reply

Your email address will not be published.