‘Pag walang ginawa sa hostage incident; HK, nagbanta ng sanction sa ‘Pinas

NAGBANTA NG economic sanction ang pamahalaan ng Hong Kong laban sa Pilipinas kapag wala umanong progreso sa pag-uusap ng magkabilang panig sa nangyaring Manila hostage incident noong 2010.

Inihayag ni Hong Kong leader Leung Chun-ying na dapat gumawa ng kongkretong hakbang ang Philippine government sa madaling panahon bago ang debate kahapon ng mga mambabatas sa Hong Kong hinggil sa balak na sanction laban sa Pilipinas.

“I declare that unless we obtain steady progress within a month, the (Hong Kong) government will take necessary sanctions action,” ani Leung.

Bagama’t hindi sinabi ng Hong Kong leader kung ano ang partikular na sanction na balak ipataw sa ating bansa.

Napag-alaman na humihirit ng kompensasyon at apology mula mismo kay Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ang Hong Kong government, sa pagkasawi ng walo nilang kababayan matapos i-hostage ng sinibak na pulis na si Rolando Mendoza ang bus na sinasakyan ng mga biktima.

Samantala, una nang nanindigan ang punong ehekutibo na hindi hihingi ng paumanhin sa Hong Kong.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.