Pag-upo ni Ronnie Ricketts sa OMB, iniintriga – Tita Swarding

OLACHIKKA! MULA NOON hanggang nayon ay marami talaga ang naloka sa kontrobersyal Split Queen na si Mystica. Ngayon ay nag-iingay nanaman ang hitad dahil may gagawing pelikula at take note, isang presidentiable ang kayang makakasama, si Bayani Fernando, huh! Nakakaloka itong si Mystica, ha! Ngunit kakaiba ang pelikulang gagawin ng hitad dahil kasama niya ang kanyang fafa. Ha! Ha! Ha!

Yes, trulily mga kafatid, kasama ang kanyang fafa na si Don Smith at take note, si Mystica ang magpo-produce ng pelikulang ito. Ano raw? Akala ko si Bayani Fernando. Ha! Ha! Ha! Abangan na lang natin ito at kung anong ingay na naman ang gagawin ng hitad na Split Queen. ‘Yun na!

SI RONNIE RICKETTS na nga ang bagong OMB chairman o mas kilalang Optical Media Board dahil next week ay manunumpa na ang magaling na action star sa palasyo ng Malakanyang at sa harap ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Si Ronnie ang papalit sa puwesto ng TV host actor na si Edu Manzano sa kadahilanang ito ay tatakbo raw sa darating na eleksyon.

[ad#post-ad-box]

Ngunit hindi pa nga nakaupo ang magaling na action star sa kanyang puwesto ay binabatikos na ito. Kakayanin daw ba niya ang mga ginagawa ng ilang mga nakaupo noon sa puwesto ng OMB o mas mahihigitan pa kaya sila ni Ronnie. Naikutan na naman siya ng mata ng karamihan kung anong mga aksyon ang gagawin nito upang matigil na ang mga pamimirata ng ilegal na palabas.

At dahil tatakbo si Edu Manzano ngayong darating na eleksyon ay ang bulung-bulungan, ang papalit daw sa puwesto nito bilang host ng game show na Pilipinas, Game Ka Na Ba? ay ang anak nitong si Luis Manzano. Ito raw ang napipisil upang pumalit sa ama, huh!

Ang tanong, mabibigyan ba ni Luis Manzano ng hustisya ang pagiging host ng PGKNB? Nakakaloka, ha!

MAHULAAN N’YO KAYA kung sino itong aking pahuhulaan sa inyo? Naku, mga kafatid, maloloka kayo dhil mukhang makukulong na nga ang mag-asawang ito.  Naku, ang daming mga nakademanda sa kanila at ngayon ay akala mo daga na nagtatago sa kanilang lunga dahil hindi na nga lumalabas ng bahay at wala nang mukhang maihaharap ang mag-asawang ito sa mga taong kanilang niloko. Tsk…tsk…tsk… Dahil kung noon ubod ng kayabangan ang asawa nito at akala mo kung sinong umasta, ngayon ay nakatagpo na siya ng mga katapat at ngayon at tagung-tago na niya ang buntot niya lalo na ang asawa nitong siyang nagpahamak sa kanya. Naku, saan kaya magtatago ang mga ito?

Ayon sa aking Parazzi Girl, may dalawang malaking truck na nakaparada parati sa tapat ng bahay ng mag-asawa at ngayon ay parang mga daga na nga ito na nagtatago sa mga pusa. Naku, ha!

Nahulaan n’yo kung sino ito? Maloloka kayo dahil palamura pa naman ang komedyanteng ito. Hmmmm… TV host din ito. ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

One thought on “Pag-upo ni Ronnie Ricketts sa OMB, iniintriga – Tita Swarding

Leave a Reply

Your email address will not be published.