Pag-upo ng Corrupt President, Binalaan

MAY BABALA ang Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III kaugnay sa posibleng pag-upo ulit ng isang corrupt na pangulo at corrupt na chief justice sa bansa.

Kung hindi raw magkaroon ng tinatawag na structural reform sa pamamagitan ng mga ipapasang batas.

Ginawa ng Pangulo ang nasabing pahayag sa pagbubukas ng 5th Global Organization of Parliamentarians Against Corruption (GOPAC) sa PICC sa Pasay City.

Ayon sa Pangulo, ang laban sa korupsyon ay hindi natatapos sa pagpapatalsik o pagpapakulong ng mga tiwaling opisyal sa pamahalaan.

Sinabi ni Pangulong Aquino na kailangan dito ang komprehensibong pagbabago tulad ng pinag-uusapan sa pagtitipon ng mga mambabatas mula sa iba’t ibang bansa.

Mahalaga raw na kumilos dahil malinaw ang mensahe ng panahon, kung saan ang pagitan ng mayayaman sa mahihirap at makapangyarihan sa mahihina ay lumalawak pa.

Samantala, bagama’t masigasig nitong isinulong ang transparency mula national hanggang sa local level, hindi naman nabanggit ng Pangulo ang isyu ng Freedom of Information (FOI) Bill na tinatanggihan nitong sertipikahang urgent.

“As people in government, we know that corruption cannot be eliminated by sending a few erring officials to jail, or by exposing a single faulty contract, or by removing from office a single oppressive tyrant. For example: The Filipino people have no doubt taken huge strides towards establishing a culture of fairness and accountability when no less than a former president was charged with plunder, among other things. Our own Chief Justice of the Supreme Court was impeached and stripped of his position when he was found to have lied about more than 98 percent of his cash assets. But while these cases have undeniable impact in our cultural milieu, without structural reform, another corrupt President might one day take the reins of power; another Chief Justice might one day again betray the public trust.”

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.