‘PAG TINOTOPAK… SEXY ACTRESS, HINDI SINISIPOT ANG TRABAHO!

SAYANG NAMAN ANG sexy actress na ito na mula sa isang malaking TV network. Malaki pa naman ang potential nitong sumikat dahil bukod sa maganda, may angking galing din ito sa pag-arte. ‘Yun nga lang, may pagkaluka-luka raw ito pagdating sa trabaho.

Tatanggap daw ito ng trabaho, pero pagsapit ng araw ng natanguang trabaho, hindi na ito napagkikita at hindi nagre-reply sa text o tatawag man lang. Kaya ang ending, ang nabubulyawan ng husto ay ang kaawa-awa nitong handler.

Lulutang na lang daw ang sexy actress kapag lumipas na ang ilang araw at naghahanap na naman ng trabaho sa kanyang home studio, lalo na sa kanyang handler na kahit ilang beses nang napapagalitan ay mukhang immune na at dedma na lang sa mga sermon sa kanya.

Pero lately, ayaw na raw i-book ng handler ang sexy actress dahil siya nga naman ang napuputukan everytime na hindi sumisipot ang kanyang amo. Kaya pala minsan-minsan na lang nakikita sa telebisyon ang magandang sexy actress.

(John Fontanilla)

loading...

2 thoughts on “‘PAG TINOTOPAK… SEXY ACTRESS, HINDI SINISIPOT ANG TRABAHO!

Leave a Reply

Your email address will not be published.