‘Pag ‘Puti’game na game AI-AI DELAS ALAS, DEDMA SA MGA PINOY SA IBANG BANSA?!

OLACHIKKA! NOW na! Thank God it’s Friday! At nakakawindang ang mga chikka ko ngayon!

Ito raw kasing napakaga-ling na komedyanteng ito na itago na lang sa pangalang Ai-Ai delas Alas, e nagkaroon ng isang show sa ibang bansa. At sabi ng aming reliable source namin doon, ‘pag mga ‘Puti’ raw ang nagpapa-picture sa komedyana, e talagang ine-entertain niya to the max. Bi-gay na bigay raw ang hitad sa posing. Pero ‘pag mga Pinoy na raw ang magpapalitrato kay Ai-Ai, dedma na ang lolah n’yo! Attitude ba ‘yon?! Nakakaloka!

May ganoong ugali ba talaga si Ai-Ai? Hinahangaan at nirerespeto pa naman siya. ‘di ba?

Dahil sa inasal ng komedyana, marami raw kababayan natin ang nainis sa kanya. Ang nakakalurkey, ‘yung tubig na nasa baso na iniinom daw ni Ai-Ai, e sinawsawan ng notes ng mga kalalakihang na-bad trip sa kanya?! Aaayyy, ano ba ‘yan?!

Isinulat ko ito para naman makarating sa aming kaibigan na hindi dapat ganoon ang pagtrato natin sa kapwa natin Pinoy. Kahit sinong artista, dapat ay parehas ang tingin sa ating mga kababayan. Matuto tayong magpakumbaba, ‘di ba? Kung hindi, hayan na ang karma!

Kahit dito mismo sa atin, puwedeng gawin ang ‘ganti’ na ‘yon ng fans kapag hindi sila pinakitaan ng maganda, ‘di ba?

Naku, alam kaya ito ni Ai-Ai? Ano sa tingin n’yo?

NAWINDANG AKO SA post ng kaibigan kong si Ogie Cruz sa Facebook, huh! Bakit daw pati itong kolum ko, e pinapakialaman nitong si Cristy Fermin? Hindi ako nanonood ng Juicy, kaya hindi ko napapanood ang mga pinagsasabi nitong si Cristy.

Hoy, Cristy! Hindi ako nag-iimbento ng kung anu-ano sa kolum ko, ‘no! Marami ang nagtitiwala sa akin. At hindi pa ako nagkakaroon ng kahit anong kaso! Kahit magparamihan pa tayo ng nagtitiwala sa ating dalawa at kung sino ang mas credible talaga.

Isa ka pa DJ Mo! Hindi gawain ng isang tunay na lalaki ang ginagawa mo. Mas bakla ka pa sa akin! Hahaha!

BLIND ITEM: SINECH ang male si-nger-dancer na ito na naiisyu rin ngayon sa kapwa niya singer, na kaya raw madalas na naka-sumbrero ngayon ay dahil napapanot na ito?! Hahaha! Kung sino man siya, alamin n’yo na lang sa aking programa, kasama si Lady Camille sa DWSS 1494khz, Lunes hanggang Biyernes, 11:30-12:00 ng tanghali. At siyempre, subaybayan pa rin ang aking programa sa DZRH 666khz, every Sunday 2:30-3:30 ng hapon.

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

4 thoughts on “‘Pag ‘Puti’game na game AI-AI DELAS ALAS, DEDMA SA MGA PINOY SA IBANG BANSA?!

  1. …AIAI,sorry talaga, pero ewan ko ba,kahit kailan hindi ko type si aiai…sorry…….kahit na driver ng mga ank ni ai ang bayaw ko…hahaha….pero mababait daw talaga ang ank ni ai,walang ka kemekeme….
    … DJ MO,e diba nga pinatulan nya si Ms.O,edi bakling nga sya…
    …tita swarding mahina naman sa dwss,ayaw pumasok,sa dzrh ka nalang everyday.joke lang….

  2. Tita Swarding nabasa ko yata sa remate.ph ang blind item na ang pamagat ay "Cristy Fermin Deadma Lang Sa Gurang Na Bading Na Naglalaway Sa Galit" on March 1. It is under the Showbiz column under the article titled "Long Mejia Tinalakan ng ABS CBN Executive". Doon sa may title, it said Uploaded by Gwen but at the bottom of the article about Fermin, may pangalan na isinulat na Charlie Lozo, so I am thinking na itong Charlie Lozo na ito ay ang writer siguro. Parang ikaw itong BI na tinutukoy ng article na ito. Sinabi na payatulang host daw at denedeadma na lang daw ni Fermin. Walang comment box, I wanted to leave a comment to tell the writer that Fermin only fights back sa maaapi nya, pero hindi nya patulan ang mga may backbone who can defend themselves na kagaya mo, Annabel Rama at Tito Alfie Lorenzo. She shrinks when she is faced with people with strong personalities. Kawawa yong mga artists who cannot defend themselves from her paninira. I really think ikaw itong Blind Item doon. Just an FYI. thanks

Leave a Reply

Your email address will not be published.