‘Pag nalamang nagloloko
Priscilla Meirelles, handang hiwalayan si John Estrada

SA PRESSCON ng isang endorsement ng da-ting Miss Earth Priscilla Meirelles, nagulat ang lahat sa laki ng ipinayat nito, matapos iluwal ang panganay na anak nila ni John Estrada. Agad na pinukol na tanong na kaya ba nagpapayat ay dahil natatakot siya na baka maulit sa kanya ang nangyari kina Janice de Belen at John? Nabalita kasi noon na iniwan ito ng aktor nang lumobo nang husto dahil sa sunud-sunod na pananganganak nito.

Inamin naman ni Priscilla na nagkaroon siya ng ganitong pag-aalala. Pero ang pagpayat niya ay higit para sa kanyang sarili para maisuot ang mga damit at maging ang mga sapatos niya dahil sa laki ng kanyang itinaba. Ito ay para maibalik din ang kanyang self-confidence at tiwala sa sarili na maapektuhan nga naman kapag malaki ang idinagdag ng timbang lalo’t isa siyang beauty queen.

Nagpaliwanag din si Priscilla para sa kanyang asawa na 17 o 18 years old ito nang mapangasawa nito si Janice at bata pa ito nang humarap sa mabigat na responsiblidad. Sa ngayon ay sini-guro sa amin ni Priscilla na hindi niya naramdaman kahit kailan na dapat niyang pagdudahan o may dapat siyang ipangamba sa asawa.

Siniguro rin niya na hindi niya ito-tolerate kahit kailan ang kataksilan sa relasyon nilang mag-asawa at sapat na rason ito para magdesisyon siyang makipaghiwalay ‘pag nalaman niyang niloloko lang siya at pinatataksilan.

Sa nakikita namin, mapagmahal, maunawain at mabuting asawa si Priscilla, pero wala sa bokubularyo nito ang magpakamartir at magpaloko lalo’t nakataya rito ang respeto, tiwala at pagmamahal na sangkap ng isang matagumpay na pagsasama.

 

NAKAUSAP NAMAN namin si Lovi Poe sa presscon ng movie na entry sa Metro Manila Film Fest, kung saan bida siya sa isa sa mga episode. Hini-ngan namin ng reaksyon ang aktres sa naging pagtatapat ni Jake Cuenca sa guesting nito sa The Buzz ilang linggo na ang nakararaan, na mahal nito ang aktres, pero sa ngayon ay wala pa silang relasyon higit sa magkaibigan.

Ayon kay Lovi, ikinagulat niya ang ginawang pag-amin ng aktor, kung saan nalaman niya lamang ito sa mga mga natanggap niyang tweets. Pero ‘di niya itinago na ikinatuwa at ikinataba ng kanyang puso ang mga si-nabing iyon ni Jake.

Marami lang ang nakapapansin na kung gaano ka-open sa nararamdaman niya ang aktor, mukhang cool na cool at ‘di naman gaanong apektado si Lovi. Depensa naman ng aktres, ayaw niya na ganito ang isipin ng mga tao tungkol sa kanila dahil bukod sa pagiging magkaibigan ay naging bukas din namin si Jake sa pagsasabing hindi pa rin ito handa sa pakiki-pagrelasyon at pareho silang busy sa kani-kaniyang mga trabaho.

Tinanong din namin sa aktres ang balitang nagkabalikan daw sila ng ex-boyfriend na si Ronald Singson. Pagka-klaro ni Lovi, walang balikang nangyari sa kanila ng dating kasintahan. Mara-ming bagay daw ang dapat munang asikasuhin ng dating kongresista, higit sa kainuwian ng kanilang relasyon. Pero ‘di niya itinatago na may komunikasyon pa rin silang dalawa ng ex lalo’t magkaibigan naman silang dalawa.

Sa tanong namin kung bukas pa ba siya na puwede silang magkabalikan ni Ronald, inamin naman sa amin ni Lovi na hindi siya nagsasara ng pinto sa kahit na kanino. Pero sa ngayon, nakapokus siya sa kanyang career.

Kapareha ni Vhong Navarro sa kanilang episode, sa kabila ng pag-amin ni Vhong na crush niya si Lovi at may paghanga din naman ang aktres sa komedyante, siniguro naman sa amin ng sexy actress na hinding-hindi siya maninira ng relasyon kahit kailan lalo’t bukas na aklat naman na may non-showbiz girlfriend si Vhong sa loob ng ilang taon.

 

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

One thought on “‘Pag nalamang nagloloko
Priscilla Meirelles, handang hiwalayan si John Estrada

  1. feelinggera talaga itong starlet na lovi poe na toh, pa-virgin ang image ng hitad. akala mo naman andaming nagkakandarapa sa kanya eh katawan lang naman ang habol nila sa kanya. super social climber pa ang peg, buti na lang hindi naisali sa sure box office flop na sosy problems dahil marami ang magrereact na hindi sya sosy kundi social climber, diba ruffa guttierrez? at buti na lang may malakas na balitang hindi sa kapamilya sya lilipat kundi sa kapatid! please kapamilya executives, hindi nyo kailangan ng isang social climber-cum-starlet sa istasyon nyo! 

Leave a Reply

Your email address will not be published.