Pag-ilit sa Ari-Arian ng Export Bank, Pinigil

PINIGIL NG Court of Appeals (CA) ang pagkumpiska sa mga ari-arian ng nagsarang Export and Industry Bank.

Matatandaang naglabas ng dalawang kautusan ang Makati City Regional Trial Court (RTC) na nag-aatas ng pagkuha sa mga pag-aari ng nasabing bangko makaraang pumasok ang pamunuan nito sa pagbenta sa P32,180,000 shares mula sa iba’t ibang pribadong

korporasyon.

Sa desisyong isinulat ni Associate Justice Mario Lopez na may petsang Abril 26, 2012, napagpasiyahan ng CA’s Special Division of Five sa ilalim ng CA former 14th Division, na may botong 3-2, ipinawalang-saysay ang ruling ng lower court noong Hulyo 29, 2011 at Agosto 26, 2011 ng Makati RTC Branch 66.

Sumang-ayon sa nasabing desisyon sina Associate Justices Amy Lazaro-Javier at Vicente Veloso, habang iba naman ang naging opinion nina Associate Justices Magdangal de Leon at Socorro Inting.

Pinagsabihan din ng kor-te si Makati Judge Joselito Villarosa dahil sa mistulang pagpapawalang-halaga umano nito sa desisyon ng higher court.

Nabatid kasi na dati nang nakapagpasya ang mataas na hukuman sa usaping ito, bagay na hindi umano nakita ng huwes na may hawak sa nasabing kaso.

Kabilang sa mga nagsulong ng kaso ang Pacific Rehouse Corporation, Pacific Concorde Corporation, Mizpah Holdings, Inc., Forum Holdings Corporation at East Asia Oil Company, Inc.

Samantala, wala namang kaugnayan ang reklamo sa pagkalugi at pagsasara ng nabanggit na bangko.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.