Pag-iingay ni Iwa Moto, dinedeadma lang nina Jodi Sta. Maria at Mickey Ablan

THIS TIME agree talaga ako kay Mommy Dionisia sa ini-emote niya na malaking pagbabago ng anak niya kaya natalo ito sa nakaraang laban niya kay Juan Manuel Marquez.

Masama ang loob ni Mommy Dionisia dahil nag-iba na ng relihiyon ang anak niya.

Kaya nu’ng lumaban ito kay Marquez, hindi niya suot ang rosaryo at hindi na ito nag-sign of the cross nang magdasal siya.

Gaya ni Mommy Dionisia, marami ang naniniwala sa bisa ng dasal at ng rosaryo na suot nito.

Kaya nu’ng nagkausap sila live via satellite, hindi na siya masagot ni Manny.

Ang sabi lang ni Manny, mag-usap na lang sila pag-uwi nila.

Nairita pa ito sa mga pastor na laging kasama ni Manny, lalo na’t pinatayuan pa raw niya ito ng simbahan nila sa GenSan.

Sa takbo ng mga pangyayari, mukhang may kasunod nang laban at inaayos na ito ng Top Rank.

Pero kung si Mommy Dionisia ang masusunod, ayaw na niya talagang pagboksingin ang anak niya.

Matagal na ‘yang sinasabi ni Mommy Dionisia, pero hindi naman siya sinusunod ni Manny dahil may kontrata pa nga ito sa Top Rank. Kaya tatapusin pa niya ito hanggang 2014.

Ewan ko lang kung bukal sa loob ni Jinkee ang sinasabi niyang ayaw na niyang palabanin ang asawa niya.

Tingnan na lang natin paglipas ng panahon. I’m sure marami pang mababago at malalaman natin kung sino na nga ang susunod na makakalaban ni Pacman.

Ang dinig namin sa April next year ang susunod na laban ni Manny, pero hindi pa sure kung rematch nila ito ni Marquez.

Ngayong araw ang dating ni Manny kasama ang asawa nitong si Jinkee. Abangan natin kung ano ang susunod niyang announcement kaugnay sa kanyang boxing career.

May inihandang farewell show ang Manny, Many Prizes na gaganapin sa SM MOA.

Siguro mag-concentrate na muna ang ating Pambansang Kamao sa pagsilbi sa Saranggani.

Pareho silang tatakbong mag-asawa kaya roon na muna sila mag-focus at huwag na muna itong susunod niyang laban.

Sa totoo lang, ang dami pa ring mga kababayan natin na hindi matanggap-tanggap ang pagkatalo ni Pacman.

 

PARANG WALA nang pumatol sa pag-iingay ni Iwa Moto, ha!

Pagkatapos niyang ibunyag na totoong kasal nga sila ni Mickey Ablan, wala namang pumatol dahil hindi naman nagsalita si Jodi Sta. Maria na lagi niyang pinapatutsadahan.

Hindi raw talaga magsasalita si Jodi dahil wala naman daw siyang dapat sabihin.

Pati nga si Mickey Ablan ay ayaw na ring magsalita dahil masaya naman daw siya ngayon sa buhay niya.

Masaya naman sila ni Janna Dominguez, kaya lang hindi pa sila puwedeng magpakasal dahil sa hindi pa annulled ang kasal nito kay Iwa.

Pero ‘yun na nga raw ang mabisang gawin nila sa mga pasabog ni Iwa, dedma na lang!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

7 thoughts on “Pag-iingay ni Iwa Moto, dinedeadma lang nina Jodi Sta. Maria at Mickey Ablan

  1. Lalo lang pinapahiya ni Iwa yung sarili niya. Tama lang na di na siya patulan nina Jodi at Mickey. Be happy na lang kase!

  2. ito si HIWA  UTONG pilit tlga nagpapansin di naman pinapansin hahaha HOY POKPOK NAMAHIMIK KA DAY, maglakad ka nalang sa edsa makita puke mo laspag sisikat kapa siguro hahaha 

  3. ALALAY NA ATA NI PAKYAW YUNG MGA PASTOR NA YAN EH!!! ANUNG KLASENG MGA PASTOR YANG MGA YAN LAGING AKAY AKAY AT NAKABUNTOT KE MANNY??? NAKAKASUKANG MGA PASTOR LIVING THE GOOD LIFE AT JET-SETTER ANG DRAMA NG MGA PEKENG PASTOR NA YAN!!! HINUHUTHUTAN NI MANNY AT KINUKWARTAHAN LANG!!! PALIBHASA TANGA AT BOBO NI MANNY KAYA NABIBILOG ANG ULO AT NAUUTO!!! SAN KA NAKAKITANG PASTOR NA LAGING NAKABUNTOT AT PARANG ASUNGOT NA NAKATANGHOD KE MANNY???? MGA PASTOR NA PEKE LIBRE LAHAT E MANNY KAYA LAGING NAKADIKIT NAKAKASUKANG RELIHIYON NILA!!!

  4. Sino ba naman kasing disenteng artista ang mag aaksaya ng panahon kay Iwa “Cheapipay-Pota-Pokpok” Moto? Wala. Kahit nga yung mga tipo nila Mahal, Long Mejia at Mystica, hindi sya papatulan. Kung baga, nasa kailailaliman ng food pyramid ang Pota. Mas mababa pa sa amoeba!

    • Ulol… Kilan pa napasama ang amoeba sa food pyramid…Gago aside from that mas pinakamataas na percentage ang pinakailalim ng food pyramid don’t you know.

Leave a Reply

Your email address will not be published.