Pag-iibigang John Lloyd Cruz-Angelica Panganiban, walang kumontra!

SA TOTOO lang, tila walang kumontra sa pag-iibigan nina Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz.

Mula nang inamin ng dalawa ang kanilang pagmamahalan, positive pa ang naging reaksyon ng publiko. Tanggap sila ng mga tagahanga ng bawat isa. Kung ang ibang fans ay kontra sa mga nakaka-relasyon ng mga idol nila, with the Angelica-John Lloyd “real” love team, walang nag-maldita. Walang kumontra. Halos lahat, sang-ayon sa pagmamahalan ng dalawa.

Kaya nga very positive ang reaksyon at pagtanggap ng followers ni JLC sa bago nitong teleserye sa Kapamilya Network na A Beautiful Affair. Maganda ang response ng manonood sa muling pagtatambal nila ng screen partner niya na si Bea Alonzo.

Maging si Angelica, positibo ang dating. Sa katunayan, sa nakaraang birthday ng aktres; sa sorpresang ipinamalas ng boyfriend niya sa kanya, haping-hapi si Angel.

“Ito ang happiness!” pabiro niyang sabi sa tono at lengguwaheng beki.

Sa Wednesday, opening ng pelikula ni Angelica, ang  Madaling ArawMahabang Gabi sa direksyon ni Dante Nico Garcia, ang director ni Judy Ann Santos sa pelikulang Ploning.

Sabi nga namin kay Direk Ga, dapat siguro may amats ako kapag pinanood ko ang pelikula niya para masakyan ko ang mga karakter ng mga tauhan sa pelikula. Type ko ang eksena ni Cherie Gil kasama si Kean Cipriano.

Si Angel may amats daw bago kinunan ang mga eksena, kuwento ni Direk Ga sa amin. Ang dahilan, para sakay na sakay ng aktres na in love na in love kay JLC ang karakater niya kaya naman maganda ang kinalabasan ng mga eksena n’ya.

 

TILA MAY hang-over pa ang karamihan sa showbiz sa nakaraang Undas.

Kung para sa ilan, ang Undas ay para dumalaw sa kani-kanilang mga mahal sa buhay na nama-yapa, ang karamihan sa showbiz, ito ang araw ng bakasyon lalo pa’t halos lahat ng trabaho (mapa-TV man o pelikula) ay huminto saglit.

Si Kris Aquino, kasama ang mga anak ay nagbakasyon sa Korea at sa Hong Kong. Kaya nga ang morning show niya na Kris TV prior to All Saints’ Day ay puro replay. Sa HK, nakasama ng Queen of All Media ang kaibigang si Zsa Zsa Padilla.

Yes, hindi dumalaw sa puntod ng kanyang mga magulang na sina Cory at Ninoy ang bunsong ka-patid ni P-Noy noong a-Uno.

“She deserves this break,” sabi ng close friend ni Tetay. Maging si Zsa Zsa, mas pinili ang magbakasyon muna kaysa dumalaw sa puntod ni Mang Dolphy.

Ang pamilya ng aktres na si Sylvia Sanchez kasama ang anak na si Arjo Atayde at mga kapatid nito ay sa Resorts World Singapore naman nagpahinga. Umalis noong November 1 ang buong mag-anak at kababalik lang nila yesterday (Sunday).

Today Monday, it is also Arjo’s birthday. If I am not mistaken, he is celebrating his 22nd birthday today.

Si Ruffa Gutierrez, nagbiyaheng lokal sa Bohol. Na-enjoy niya ang Loboc River Cruise. At ang Star for All Seasons na si Batangas Gov. Vilma Santos, nasa Macau for her R & R kasabay na rin sa pagse-celebrate ng kanyang kaarawan.

 

SINGIT: TAMA na ang bangayan sa mga statements at sagutan nina Paolo Contis at Lian Paz. Dahil sa bandang huli, ang anak din nila ang magsa-suffer sa consequences paglaki…

Watched Tonette Jadaone’s Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay, naaliw ako sa movie. Laugh trip. Every scenes yata sa movie, napapangiti ako kung hindi man napapatawa. I personally recommend this film. Sana maabutan n’yo pa sa mga SM Cinema…
Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

7 thoughts on “Pag-iibigang John Lloyd Cruz-Angelica Panganiban, walang kumontra!

    • Bsta i love angelica and loydie  be together forever.  bagay tlaga cla in fairness. ganun nman  tlaga may mga tao tlagng   wla ng ginawa kundi komuntra.   kya sa lahat ng mga haters    buhay nyo    nlang  atupagin  nyo  =)   good luck+++

  1. napaka unfair talaga ang dos!parang pinaparinggan nila si shaina! sino ba ang jlc na yan,babaero,angelica material girl naman!tignan natin kung magbreak ang dalawa na yan! mas worst pang pag uusapanng publiko!napaka fake talaga ni angelica na inlove agad kay jlc?dapat mag move on muna kc galing lang sa break up for 8 years!di na nakatiis

  2. sa umpisa lang yan, honeymoon period pa kasi. ganyan naman ang mga artista, para lang nagpapalit ng panty at brief kung magpalit ng syota, at sila sila rin ang nagsusulutan ha! napakasamang impluwensiya sa mga kabataan… si angelica halatang bitter kay derek kasi panay ang sabi na nag e exist pala ang ganong feeling, yung ang saya saya mo… babaeng babae na raw sya ngayon, nnon daw kasi bakla sya pag umibig! yeah right kasi dinudukot mo yagbols ni derek kahit nasa public place kayo! yan ba ang hindi nag enjoy? bitter ka lang kasi. si john lloyd, nagpapasarap lang yan, iiwan ka rin nyan. magising ka na habang maaga pa lang. kawawa ka naman, maganda ka pa naman. tingnan mo ang nagyari kina liz uy, ruffa at shaina? syempre bubusugin ka ni john lloyd sa pa sweet sweet nya at regalo at pagoiging gentleman kuno, pag nagsawa na yan, iiwan ka na lang ng basta sa ere… lasenggo pa!!!

  3. magkakasawaan din yan syempre bago palang e, after ilang buwan maghihiwalay din yan, si LLOYDIE pa wala naman tinatagalan babae yan,

Leave a Reply

Your email address will not be published.