Pag-Ibig, Philhealth at SSS Nagkaisa; MOU sa Kasambahay Bill, Pipirmahan na

NAKATAKDANG PUMIRMA sa isang Memorandum of Understanding (MOU) ang tatlong ahensya ng pamahalaan para sa pagpapatupad ng ‘unified registration system’ para sa mga kasambahay.

Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, nagkasundo ang Pag-Ibig Fund, Philhealth at Social Security System alinsunod na rin sa itinatakda ng Kasambahay Law.

Ipinaliwanag ng kalihim na sa ilalim ng naturang sistema, magiging madali para sa mga employer na iparehistro ang kanilang mga kasambahay sa Pag-Ibig Fund, Philhealth at SSS dahil hindi na nila kaila-ngan pang magtungo sa bawat nasabing ahensya para makipagtransaksyon.

Ibig sabihin, kapag nairehistro na ng employer ang kanyang kasambahay sa SSS, lahat ng mga impormasyon ay ibabahagi ng ahensya sa Pag-Ibig  at Philhealth.

Sinabi ni Baldoz na nagpalabas na ang Department of Interior and Local Government (DILG)  ng Memorandum Circular 2013-61 na nagtatakda ng panuntunan para sa pagpapatala  ng mga kasambahay sa lahat ng barangay sa buong bansa.

Samantala, ang naturang DILG Circular ang magiging gabay para sa lahat ng mga Alkalde at punong barangay para sa lokal na pagpaparehistro ng mga kasambahay na itinatakda rin ng batas.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.