Pag-IBIG, katuwang na ang Citi sa pagbabayad ng mga benepisyo ng mga miyembro

 

ISINAALANG-ALANG NG Pag-IBIG Fund ang banking experience at financial expertise ng Citi Philippines para maging katuwang sa pamamahagi ng iba’t ibang pinansiyal na benepisyo sa may 10.7 milyong miyembro nito sa buong bansa.

Sa isang Memorandum of Agreement na nilagdaan kamakailan, gagamitin ng Pag-IBIG Fund bilang panimula ang  Reloadable Commercial Prepaid Cards ng Citi para sa paglalabas ng short-term loan at  calamity loan, kabilangan ang kita sa provident benefit claim ng mga miyembro.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Pag-IBIG Chief Executive Officer Atty. Darlene Marie B. Berberabe na, “the MOA signing with the largest foreign bank in the country is an efficient way of forging partnership with the private sector, which will redound to more business flexibility and options for our members in their dealings with the Fund.”

Bilang tugon, pinapurihan naman ni Citi Country Officer for the Philippines Sanjiv Vohra ang Pag-IBIG sa pangunguna nito, sa lahat ng ahensiya ng gobyerno, sa pakikipag-partner sa bangko para mabayaran ang mga miyembro.

“The Citi Prepaid Card is designed to deliver process improvements and substantial savings to the user.  It is certainly an attractive proposition, and we hope to offer more of our best in class solutions for other requirements of Pag-IBIG.”

Nasa larawan sa isinagawang signing ceremonies sina (mula kaliwa pakanan) Pag-IBIG’s Deputy CEO for NCR Operations Tessie M. Gonzales at CEO Atty. Darlene Marie B. Berberabe; Citi Philippines’s Country Officer Sanjiv Vohra at Global Transaction Services head Mylene Arnaldo Caparas.

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.