Pag-Hack sa 30 Websites ng Gobyerno, Inalmahan ng Palasyo

INALMAHAN NG Palasyo sa ginawang pag-hack ng grupong Anonymous Philippines sa 30 websites ng gobyerno.

Itinaon ng nasabing grupo ang pag-hack sa ikinasang anti-pork barrel rally sa Luneta at iginiit din ang pagbasura sa pondong ito.

Ayon kay Communications Group Sec. Sonny Coloma, maaari namang ihayag ng grupo ang kanilang saloobin nang walang napeperwisyo.

Inaalam na rin aniya ng mga kinauukulan kung sino ang responsable sa pag-hack sa mga government website lalo’t labag ito sa batas.

Samantala, inihayag naman ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na may ginawa nang paraan ang gobyerno upang huwag nang maulit ang pangha-hack sa mga website ng pamahalaan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.