Pag-dismiss sa PMA cadet, pinaiimbestigahan

IPINAG-UTOS NI AFP chief of staff General Emmanuel Bautista ang reinvestigation kaugnay ng pagkaka-dismiss sa isang PMA cadet matapos mapatunayang lumabag sa honor code.

Sinabi ni AFP Public Affairs Office chief Lt. Col. Ramon Zagala na umabot na sa atensyon ng AFP chief ang naturang asunto dahil naniniwala ito na kailangan ire-investigate ang kaso ni Cadet Aldrin Jeff Cudia na isang graduating cadet at sinasabing no. 2 sa PMA Class 2014.

Ayon kay Zagala, si General Bautista ang may overall control at supervision sa lahat ng units ng AFP at puwede itong magbigay ng direktiba partikular sa pagsasagawa ng reinvestigation sa anumang kaso.

Inatasan ni Bautista ang bagong talagang PMA superintendent na si Maj. Gen. Oscar Lopez para sa pagsisiyasat sa kaso ni Cudia.

Iginiit pa ni Zagala na mabibigyan ng pagkakataon ang naturang kadete sa pagsasagawa muli ng imbestigasyon.

Inihayag pa ni Zagala na nakadepende sa resulta ng pagsisiyasat kung maaari pang ma-reinstate si Cudia.

Napag-alaman din na ang pag-dismiss kay Cudia sa PMA ay dahil sa pag-post ng kapatid nitong babae na si Annavee Cudia ng tungkol sa nangyari sa kapatid sa Facebook na kumalat sa iba pang mga social networking sites.

Sinabi ni Annavee na na-late umano ng dalawang minuto ang kapatid nito sa susunod na klase nito dahil late ang pagkaka-dismiss ng kanilang propesor.

Dahil dito pinarusahan si Cudia ng demerit, tradisyunal na touring (marching) at ikinulong dahil sa pagmamatigas na hindi pag-resign.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.