Pag-decriminalize ng libel, isinusulong

INIHAIN SA Senado na ma-decriminalize na ang libel o matanggal ang parusang kulong sa kasong libelo.

Ito ay kasunod ng desisyon ng Supreme Court (SC) na nagdedeklarang legal at naayon sa batas ang online libel o paninirang puri sa internet.

Kapwa inihayag nina Sen. Sonny Angara at Sen. Francis Escudero na pabor silang tanggalin ang parusang kulong sa libelo sa halip ay papatawan na lang ng civil liability ang mapapatunayang nagkasala.

Base sa ilalim ng panukala ni Escudero, nais nitong amyendahan ang Section 4 ng Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act dahil lumalabag aniya ito sa “freedom of speech”.

Kailangan daw protektahan ang “freedom of speech and expression” ng publiko na ginagarantiyahan din ng Saligang Batas.

Nilinaw rin ng mga mambabatas na hindi na kailangang i-repeal ang buong batas dahil kailangan ang mga ganitong batas para maparusahan ang mga nasa likod ng karahasan lalo na sa mga kabataan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.