Pag-Convene sa NSC Kontra China ‘Di pa Kailangan

TINIYAK NG Palasyo na hindi pa kailangang i-convene ang National Security Council o kaya ay magsagawa ng full Cabinet meeting upang pag-usapan ang patuloy na panghihimasok ng China sa teritoryo ng Pilipinas.

Sinabi ni Deputy Pre¬sidential Spokesperson Abigail Valte na mismong si Pangulong Noynoy Aquino ang nagsabi na ipagpapatuloy lamang ang paglutas sa problema katulad ng mga ginawa noong nakaraan.

Ayon pa umano ng Pangulo, epektibo naman ang ginagawa ng gobyerno na pagharap sa problema.

Tiniyak din ni Valte na hindi ipinagwawalang-bahala ng gobyerno ang problema tungkol sa ginawang pagtatayo ng istruktura ng China sa pinag-aagawang teritoryo.

Samantala, ipagpapatuloy din umano ang pagresolba sa problema sa diplomatikong paraan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.