Pag-collapse ni Carla Abellana, gimik lang? – Ronnie Carasco

SANA’Y  NAGKAKAMALI LANG ang inyong lingkod na hindi gimik lang ang tsikang nag-collapse si Carla Abellana sa taping ng kanyang teleserye sa GMA 7.

Pasensiya na if I play devil’s advocate, pero karaniwan nang nawawalan ng ulirat ay ang artistang inaapuntahan ng overfatigue dala ng OA na trabaho.  Hindi kinaya ng kanyang resistensiya builder, kaya hayun, nag-faint (nag-faint daw, o!).

Gaano ba naman kasi kadami ang trabaho ni Carla, kumpara halimbawa na lang kay Marian Rivera na may fantaserye, may sitcom at may pelikula pa?  Puwera pa rito ang nadagdagan niyang commercial endorsements?

At bakit kasi hindi puwedeng isipin na baka gimik lang ito?  Puwede bang sagutin din ng tanong ang sarili kong tanong?  Hindi ba’t kailangang mag-rate ng teleserye ni Carla (na buti na lang, isinasama sa bahagyang pag-angat sa lupa ni Darna)?

BECAUSE OF THE still-unresolved issue between Star Cinema and SM Cinemas, distributed by Solar Films na ang pelikulang Kimmy Dora, Kambal sa Kiyeme ng Spring Films.

As a result, lalong ganadong mag-promote ang bida ritong si Eugene Domingo whose turn to hit the big time is long overdue.  Ayon sa isang Star Cinema insider, it will take some time bago maayos ang gusot sa pamunuan ng SM.  Hindi naman nila puwedeng ikompromiso ang proyektong aabot na sa mahigit P20 million ang production cost, puwera pa ang advertising and promotions nito.

But it still is a conservative figure to think na apat naman ang producer nito, si Piolo Pascual at si Binibining Joyce Bernal na siya rin nitong direktor.  Here’s my “kambal wish” also:  that Uge makes her audience laugh and that all four producers laugh their way to the bank.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

18 thoughts on “Pag-collapse ni Carla Abellana, gimik lang? – Ronnie Carasco

  1. nabasa ko sa PEP.PH mag eend na ang Rosalinda this October kasi sobrang baba ng ratings!
    Akala kasi nila na mapapasikat nila si Carla agad gaya ng pagpasikat nila kay Marian dati. MAs madami pang deserving na artista na mag lead ng role ng rosalinda..

  2. umpisa pa lang ng rosalinda di n namin pinag aksyahan panoorin..ang mga lead star walang kadating dating! ang OA umarte ng dalawa! wala n bang ibang artista at sila ang nilagay dun..hayzzzzzz

  3. maganda naman si carla pero sana pinag acting workshop muna siya ng todo before she was made to do the soap. sayang kasi. ang ganda ng rosalinda na original.

  4. mang ronnie, pati ba naman si carla tinitira mo na rin dati si Sweet, Marian etc ngayon si Carla naman?

    inggitera ang matandang bakla na ito!

    di kasi sinama ni Boy Abunda noong pinirata siya ng ABS-CBN kaya naiwan si ronnie mag-isa sa GMA!!

  5. Isa sa pinakamagandang soap ang ROsalinda noon. Kung ibinigay sana kay Marian ang soap na iyan at hindi kay Carla, baka mataas din ang rating ng Rosalinda.

    Kaso mo, nakakaantok ang bida ng Rosalinda.

  6. bakit kasi ang gma7 binigyan pa ng project yan di naman marunong umarte,kung di lang dahil sa darna di wala pang rating yan,ang lakas kasi ng mga yan sa gma7, may ninong kasi,,tama ka basura nga”’super OA”

      • yes kilala namin yan yang si sinasabi mong marian na palengkera, basura at nag pa abort, tsk hindi sa navotas ang anak nya nasa bacolod. kulang lang ang info mo kasi screen name nya lang ang marian ang true name nya is ANGEL COLMENARES! kaw talaga!

      • hoy shunga pag-sabungin nyo nlang ang mga starlet ng kapupu plagi nyo dinadamay c angel…eh mga tga kamuning lng nman nagplabas lhat ng nega write-ups ni angel mula nung lumipat sya..

Leave a Reply

Your email address will not be published.