Pag-Chop-Chop sa US Guardian, Posibleng Abutin ng Summer

AMINADO ANG Philippine Coast Guard (PCG) na mas mahirap ang pagbaklas ng USS Guardian sa Tubbataha Reef kumpara sa mga unang pagtaya dahil sa laki nito, posibleng mas mala-

king pinsala sa corals, antala sa pagdating ng mga pasilidad na kailangan at ang pabagu-bagong kondisyon ng dagat.

Batay sa plano ng US Navy, pagpipira-pirasuhin ang nasabing barko upang maiwasan ang mas mala-king epekto nito sa bahura.

Umaabot na sa kasing laki ng walong basketball court ang lawak ng nasisirang mga koral dahil sa sumadsad na barkong pandigma.

Sa pagtaya naman ng ilang eksperto, maaaring abutin pa ng summer ang pagtanggal ng barko kung magpapatuloy ang ilang antala.

Sa ngayon, regular na nakikipag-ugnayan ang US Navy sa mga kinauukulan ng ating bansa bilang bahagi ng kanilang obligasyon at pananagutan dahil sa naturang pangyayari.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.