‘Pag biglang niyayang magpakasal ni Direk Paul Soriano
Toni Gonzaga, ‘di na tatapusin ang kontrata sa Dos

SA Z Cup golf tournament nu’ng nakaraang Linggo, naka-usap namin si Direk Paul Soriano at tinanong namin sa isyu na balak na raw niyang pagpo-propose sa girlfriend na si Toni Gonzaga.

Ayaw magbigay ng detalye kung kailan ba talaga mangyayari ang sinasabing proposal, pero consistent naman si Direk Paul na alam niyang papunta na rin du’n at sa kasalan ang magpipitong taon na nilang relasyon ng TV host/actress.

Tinanong namin kung naniniwala ba siya sa sinasabing 7 years itch sa isang relasyon, kung saan dito raw dumadaan sa matinding pagsubok ang isang relasyon na maaaring mauwi sa break-up at sa kasalan naman kung mananatili silang matatag at malalagapasan ito.

Ayon sa direktor, ayaw niyang i-entertain ang ganitong ideya at naniniwala siya na matatag at matibay na sila ni Toni dahil na rin sa buong-buong tiwala na binibigay nila sa isa’t isa.

Sa nakaraang interview noon kay Toni, nabanggit nito na may kontrata pa siya sa ABS at matagal-tagal pa ito bago mag-lapse. Pero kung saka-sakaling ayain siya ni Direk Paul magpakasal ay bukas naman siya na maaaring ‘di niya ito matapos dahil dito. Masaya naman tungkol dito ang direktor dahil para sa kanya ay alam niyang dito talaga papunta na ang relasyon nila ng girlfriend.

Hiningan namin ng reaksyon sa mga larawang kumalat noon kung saan kung sinu-sinong babae ang kasama niya at halata namang binibigyan ng malisya ito. Ayon kay Direk Paul, halos lahat ng mga ito ay mga kaibigan, dating mga kaklase kundi man ay mga dating katrabaho na blurred pa para magmukhang kaintri-intriga. Hindi rin nila ito pinag-awayan ni Toni dahil alam naman nito na walang katotohanan ang mga ito bukod pa sa sanay na rin ang aktres sa ganitong kalakaran sa showbizness.

LABAS NA sa ngayon ang self-titled album ni Michael Pangilinan na Micahel Pangilinan, Bakit Ba Ikaw? na ni-released naman ng Star Records. Binubuo ng limang kanta tulad ng carrier single nitong Bakit Ba Ikaw? at ang Saksi Ko ay composed ng mahusay at kilalang composer na si Vehnee Saturno, Dance With My Father na in-arrange naman ni Jonathan Manalo, ang Umagang Kay Ganda na duet naman nila ni Prima Diva Billy at ang revival ng kantang Kung Sakali na composed naman nina Vic Sotto at Joey De Leon at kinanta ni Pabs Dadivas noong ‘70s.

Sumali sa X-Factor Philippines at ‘di pinalad na manalo, pero sa nakikitang paunti-unti pero magandang tinatakbo ng career sa ngayon ni Michael, dahil na rin sa kanyang talento at dedikasyon sa kanyang awitin.

Naniniwala kami na malayo ang mararating ng batang ito.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

9 thoughts on “‘Pag biglang niyayang magpakasal ni Direk Paul Soriano
Toni Gonzaga, ‘di na tatapusin ang kontrata sa Dos

Leave a Reply

Your email address will not be published.