Pag-atake sa Maguindanao, ‘di sabotahe sa peace talks

PINABULAANAN NG Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na hindi  pananabotahe sa usaping pangkapayapaan ang kanilang ginawang muling pag-atake sa Maguindanao at para mapigilan ang pagpirma sa Comprehensive Bangsamoro Framework Agreement sa pagitan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at ng gobyerno.

Ito’y hinggil sa panibagong harassment na inilunsad ng BIFF sa kampo ng militar sa may bahagi ng Crossing Salvo, bayan ng Ampatuan sa Maguindanao na naging dahilan sa pagkasawi ng tatlong kasapi ng BIFF at pagkasugat ng 3 sundado.

Sinabi ni BIFF Spokesperson Abu Misry Mama na ang inilunsad nilang pag-atake ay layon ng kanilang grupo na gawing independent Islamic state ang Mindanao.

Kinumpirma rin ni Abu Misry na nasa mahigit 30-rounds ng M-79 grenade launcher ang pinakawalan ng BIFF sa kampo ng 2nd Mechanized Battalion ng Philippine Army.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.