Pag-aresto kay Tiamzon, iligal

KINONDENA NG National Democratic Front (NDF) ang tinawag nitong “illegal arrest” sa mag-asawang Benito Tiamzon , sinasabing chairman ng Communist Party of the Philipines (CPP), at Wilma Austria na umano’y secretary general ng rebeldeng grupo sa bisa ng mga arrest warrant sa kasong murder at frustrated murder.

Sabado ng hapon nang arestuhin ng mga militar at pulis ang mag-asawa sa Carcar, Cebu. Sa text message na ipinadala sa media ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines, sinabi nito na naa-resto ang dalawa , kasama ang lima pa, sa isang Starex van at isang Toyota Innova sa Barangay Aluginsan, Carcar bandang alas-3:15 ng hapon.

Ayon naman sa NDF, ang mag-asawa ay “consultants who have fulfilled and are fulfilling highly significant tasks in the peace negotiations” sa pagitan ng gobyerno at mga rebelde, at hiniling ang agarang pagpapalaya sa mga ito.

Sinabi pa ni Luis Jalandoni, chairman ng NDF peace negotiating panel, na si Austria ay may hawak na “Document of Identification ND978226 under her real name” at isang letter of acknowledgement mula sa noo’y government chief negotiator na si Silvestre Bello III “which states: ‘The above named person is entitled to the safety and immunity guarantees asprovided under the Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG) for the duration of the peace negotiations. You are hereby required to facilitate the safe conduct and free passage of the above named person’.”

Si Tiamzon, ay may hawak namang “Document of Identification ND 978227 under the assumed name ‘Crising Banaag’. He is likewise holder of a Letter of Acknowledgment signed by then GRP Negotiating Panel Chairman Silvestre H. Bello III,” sabi ni Jalandoni.

Kabilang sa mga uma-resto sa mga Tiamzon ang ISAFP, Criminal Investigation and Detection Group a Carcar police. Dinala ang mga nahuli sa Central Command headquarters ng militar.

(PARAZZI REPORTORAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.