Pag-alis sa Visa Requirement sa mga Pinoy, Itinanggi ng Japan

PINABULAANAN NG Japanese government ang kumakalat na balita sa Internet ng inalis na nito ang visa requirement para sa mga Pinoy na bibisita sa Japan.

Nilinaw ng nasabing bansa na tanging ang mga Thai at Malaysians ang binibigyan nila ng visa exemptions.

Una nang nagpalabas ng ulat ang Ministry of Foreign Affairs (MOFA) ng Japan sa website nito noong Hunyo 25 na pinapayagan ang pag-iisyu ng multiple entry visas sa mga Filipino citizen na valid ng tatlong taon.

“In celebration of the 40th Year of ASEAN-Japan Friendship and Cooperation, the Government of Japan has decided to begin issuance from July 1, of multiple entry visas for short-term stay to nationals of the Republic of the Philippines (ordinary passport holders) who reside in their home country,” ayon sa statement ng MOFA sa website nito.

Maaari namang manatili ng hanggang 15 araw ang sinumang Pilipino na may visa.

Samantala, sinumang Pinoy na interesadong kumuha ng visa sa Japan ay kailangang mag-apply sa Japanese embassy sa pamamagitan ng mga accredited na ahensya. Hindi direktang tumatanggap ng visa apllications ang embahada sa bansa.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.