Pag-alis ng VAT sa kuryente, aprub sa ilang senador

SUPORTADO  NG ilang senador sa posibleng pag-aalis ng ipinapataw na value added tax (VAT) sa kuryente para mabawasan ang presyo nito.

Ito’y hinggil sa inilabas na pag-aaral ng World Bank na mababawasan ng P0.80 ang presyo ng kuryente kung aalisin ang VAT.

Sinabi ni Sen. Tito Sotto na pabor siya sa nasabing panukala na anya’y magiging mala-king tulong sa mga konsyumer.

Aprubado rin sa panukala si Sen. Antonio Trillanes pero dapat aniyang limitahan lamang sa mga pagkakataon na may matinding price hike at market failure.

Handa rin si Sen. Serge Osmeña na suportahan ang pag-aalis ng VAT sa kuryente para mabawasan ang pasanin ng publiko.

Inihayag din ni Sen. Francis “Chiz” Escuderro na hindi siya bumoto pabor sa e-VAT noon at mananatili ito sa kanyang posisyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.