Pag-alis ng HK sa vise-free access, ikinalungkot ng DFA

IKINALUNGKOT NG Department of Foreign Affairs (DFA) ang pag-alis ng Hong Kong sa visa-free access sa mga Pinoy bilang bahagi ng umano’y parusa sa nangyaring Manila hostage crisis.

“The sanction is unfortunate because a substantive closure on the Quirino Grandstand incident had already been arrived at three years ago with the previous Hong Kong SAR government and the victims as well as their families,” ayon kay DFA Spokesman Asec. Raul Hernandez.

Nagawa na rin aniya ng bansa na maipahayag ang “deepest regret and condolence” nito sa insidente na ikinasawi ng walong HK nationals. “And we are preparing to reiterate this,” pahayag pa ni Hernandez.

Maaalala na nais ng Hong Kong na mismong si Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ang humingi ng tawad sa naturang insidente, bagay na hindi sinasang-ayunan ng Malacañang.

Sinabi ni Hernandez na nakapagbigay na rin ng “substantial” na karagdagang tulong ang Pilipinas na tinanggap naman ng mga biktima at mga pamilya nito.

Tiniyak din ng DFA sa mga Pinoy na ginawa ng pamahalaan ang lahat para maresolba ang nabanggit na isyu.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.