Pag-alis kay Delfin Lee sa ‘Most Wanted List’, iimbestigahan ng Senado

IPAPATAWAG NG Senado si Philippine National Police (PNP) chief Alan Purisima para ipaliwanag ang  kuwestiyonableng pag-alis sa pangalan ng negosyanteng si Delfin Lee sa “most wante¬d list”.

Sinabi ni Sen. JV Ejercito na bagama’t layunin ng Senate committee on urban planning, housing and resettlement na alamin ang katotohanan sa kontrobersiyal na housing scandal, nais din nilang tingnan ang alegasyon na pinoprotekta¬han si Lee mula sa criminal prosecution.

“We need to look into the controversy that surrounds Lee’s arrest in order to find what really happened,” ayon sa senador.

Nauna nang hiniling ni Senator Nancy Binay na siyasatin ang diumano’y pagtanggal ng pangalan ng negosyante sa most wanted list ng PNP.

Bukod pa ito ang pag-isyu ng Criminal Investigation and Detection Groups (CIDG) na certification sa pag-alis ng pangalan ni Lee sa listahan ng warrant of arrest database.

Nababahala rin ang senadora sa naturang hakbang ni Purisima na sinasabing nag-isyu diumano ng liham para sa pag-alis ng pangalan ni Lee sa most wanted list.

Maaalala na s i Lee ay dinakip ng mga pulis noong March 6 sa Hyatt Hotel sa Malate, Manila matapos ang dalawang taong pagtatago dahil sa syndicated estafa case na inihain sa kanya hinggil sa P6.6-bilyong housing scam.

Isang linggo matapos maaresto si Lee, sa pa¬ngunguna ni PNP-Task Force Tugis na pinamunuan ni Sr. Supt. Conrad Capa, inilipat naman ito ni Purisima sa ibang posisyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.