Pag-aaral ng mga Kapatid ni Kristel Tejada, Sinagot ng Ilang Grupo

KASABAY NG paghatid sa huling hantungan kay University of the Philippines Behavioral Science student Kristel Tejada, bumuhos ang luha ng daan-daang mga kaibigan, kaki-lala ang mga tagasuporta sa isinasagawang misa sa labi ng nagpatiwakal na 16-anyos na biktima.

Kaugnay nito, isinapubliko na rin ng kanyang ina na si Blesilda Tejada, ang “suicide note” ng anak na nagsasaad ng kanyang dahilan upang gawin ang pagpakamatay gamit ang silver cleaner.

Sa kabila nito, sisikapin pa rin umano ng kanyang mga magulang, lalo na ang kanilang pamilya na makabangon bagama’t hindi umano madali ang masakit na sinapit nila dahil sa istriktong patakaran ng UP-Manila campus.

Umaasa naman ang mga grupo na sumama sa nasabing libing na magsisilbi sanang aral ang nangyari kay Kristel.

Samantala, may ilang grupo naman ang nangakong tulungan ang mga nakababatang kapatid ni Tejada na makapagtapos ng kanilang pag-aaral na labis namang pinasamalatan ng kanyang mga magulang.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.