Pag-aalaga sa Kidney, Isinusulong sa Navotas

UPANG MAIWASAN ang pagkakaroon ng sakit sa kidney, isang pagpupulong ang isinagawa ng pamahalaang lokal ng Navotas City hinggil sa pangangalaga ng kidney o bato sa pakikipagtulungan sa Renal Disease Control Program (REDCOP) – National Kidney and Transplant Institute (NKTI), kamakailan.

Mahigit 200 residente na mayroong Urinary Tract Infection (UTI) ang inimbitahan ng Navotas City Health Department (NCHD) upang kanilang mas maunawan ang sanhi at paraan ng pag-iwas sa nasabing sakit.

Naroon din ang mga konsehal at barangay captain sa lungsod upang suportahan ang madalas na binabelawang sakit bilang boses ng kanilang nasasakupan.

Pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco ang pagbubukas ng programa. Aniya, “Kadalasang hindi natin napapansin kung malusog ba o hindi ang ating kidney o bato. Marahil ay hindi alam ng nakararami ang kahalagahan ng maliit na parte na ito ng ating katawan. Kaya naman nagpapasalamat po tayo sa NKTI sa pagdala ng REDCOP sa lungsod upang maipaalam natin ang wastong pag-iingat at pangangalaga sa bato at pag-iwas sa sakit sa bato.”

Ayon sa datos ng NCHD, isa ang sakit sa bato sa 10 pangunahing dahilan ng pagkamatay. Noong 2010, nagkaroon ng 34 kaso ng “renal failure”. 25 kaso rin ang naitala noong 2011. Wala namang naitala nito noong 2008, 2009 at 2012.

Pinayuhan din ng alkalde ang mga residente na umiwas sa maaalat na pagkain dahil “prevention is still better than cure.”

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.