PAF Member, Dakip sa Tangkang Pagbaril sa Pulis

BAGSAK SA kulungan ang isang miyembro ng Philippine Air Force (PAF) makaraang insultuhin at tangkaing barilin ang isang pulis na naka-duty sa may Barangay San Jose, Gusu sa Zamboanga City.

Base sa isinagawang pagsisiyasat ng Criminal Investigation and Detective Management Unit (CIDMU) ng Zamboanga City police office (ZCPO), abala ang nagreklamong pulis na si PO1 Arnold Gomez sa pagmamanman sa nasabing lugar habang naka-duty nang bigla na lamang umanong pagtripan ng lasing na salarin na kinilalang si S/Sgt. Elizer Jose.

Pinagsalitaan umano ng masasamang salita ng suspek si Gomez sa hindi malamang dahilan dala na rin sa sobrang kala-singan nito.

Nang paalisin siya ng pulis sa naturang lugar ay tinangka umano nitong bunutin ang kanyang issued caliber .45 pistol.

Samantala, agad naman siyang naitulak ng pulis saka nadisarmahan at dinala sa istasyon ng pulisya.

Sa ngayon, pansamantalang ikinulong sa selda ng Zamboanga City police station ang salarin habang inihahanda ang pagsampa ng kaukulang kaso.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.