Padilla, bagong Philhealth Chief

ITINALAGA NG board of directors ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) si Atty. Alexander A. Padilla bilang Philhealth President at Chief Executive Officer.

Kinumpirma rin ng Malacañang ang pagtatalaga kay Padilla sa pinakamataas na posisyon ng nasabing health insurance agency at pinagtibay sa ilalim ng bagong batas ng Governance Commission for Government Owned or Controlled Corporations.

Si Padilla ay kasalukuyang chief negotiator ng pamahalaan sa pakikipag-usap sa National Democratic Front (NDF).

Maliban dito, nagsilbi na rin siya sa iba pang mga puwesto sa gobyerno.

Ang paghirang kay Padilla ay sa gitna na rin ng pananamlay ng negosasyon sa makakaliwang grupo bunsod ng palitan ng alegasyon at mga kahilingan.

“With Alex Padilla at the helm of PhilHealth, we are assured of continued reforms to make sure that the Corporation achieves its mandate, that all Filipinos are provided with affordable, adequate, available and accessible health care financed through a sustainable National Health Insurance Program,” ayon kay Health Secretary and PhilHealth Board Chair Dr. Enrique T. Ona sa pagkakahirang kay Padilla.

Si Padilla ay nagtapos sa De La Salle University bilang Cum Laude sa kursong Bachelor of Arts in History major in Political Science at minor in Philosophy. Na-ging pangulo ng Law Student Government at pinuno ng UP Law Students Rights and Welfare Party (STRAW).

Bago pa naging bahagi ng PhiHealth, si Padilla ay naging undersecretary ng Department of Health (DoH), Senior State Prosecutor at the Department of Justice, Special Prosecutor at the Office of the Ombudsman, Assistant Secretary at the Department of Interior and Local Government, Commissioner at the Housing and Land Use Regulatory Board, Commissioner of the Bureau of Customs, at iba pa.

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.