Padaca, bagong Comelec Commissioner

KINUMPIRMA NG Palasyo ang pagkakatalaga kay dating Isabela Gov. Ma. Gracia Cielo “Grace” Magno Padaca bilang bagong Comelec commissioner.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, mismong si Executive Sec. Jojo Ochoa ang nagkumpirma sa naturang appointment.

Sinabi ni Lacierda na naipadala na sa Comelec ang appointment papers ni Padaca.

Si Padaca, 48, ay miyembro ng Liberal Party (LP). Pinalitan niya ang nag-resign na si Gus Lagman.

Hindi naman agad tinanggap ni Padaca ang nasabing puwesto dahil pinag-iisipan din niyang muling tumakbong gobernadora.

Bilang reaksyon, tanggap naman sa Comelec ang pagkakahirang kay Padaca.

Ayon kay Chairman Sixto Brillantes, masaya sila sa nasabing development. Kinumpirma rin nito na merong pending electoral protest si Padaca sa Comelec, pero dahilan sa uupo na ito sa puwesto ay mababale-wala na ito.

Sa isyu naman ng kasong kinakaharap ni Padaca sa Sandiganbayan, hindi naman ito sagabal at tuloy pa rin na magtatrabaho ito bilang commissioner lalo na at wala namang finality sa resolusyon ng nasabing kaso, ani Brillantes.

Sinabi naman ni Commissioner Rene Sarmiento na alam na nila kamakailan pa ang nabanggit na impormasyon kaya masaya sila na naging pormal na ang anunsyo ng Palasyo.                                                                                                                             Katunayan, sinabi nitong nakatakda na ang pagsisimula ng bagong commissioner ng trabaho sa loob ng susunod na dalawang linggo.

Samantala, ang bagong hirang na opisyal ang tanging magiging babaeng miyembro ng komisyon kung saan ang iba pang mga Comelec commissioners ay sina Lucenito Tagle, Armando Velasco, Christian Robert Lim at Elias Yusoph.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.