Pacquiao wagi kontra Bradley sa WBO rescoring

TINAPOS NA ng World Boxing Organization (WBO) ang kanilang pagsisiyasat sa kontrobersiyal na split decision win ni welterweight champion Timothy Bradley Jr. kay 8-division world champion Manny Pacquiao.

Ginawa ng WBO ang pag-iimbestiga kasunod ng batikos na inabot ng dalawa sa tatlong hurado sa Pacquiao-Bradley fight.

Sa inilabas na resulta ng rescoring ng five-man panel ng WBO matapos panoorin ang video tape ng Pacquiao-Bradley bout, lumabas na landslide victory ang ibinigay sa Pinoy boxing champion.

Ang mga iskor ay nasa 115-111, 116-112, 117-111, 118-110, AT 117-111, kung saan walong rounds ang napanalunan ng Pambansang Kamao.

Pero ang naturang resulta sa rescoring ay hindi na magpapabaligtad pa sa naunang desisyon dahil ang Nevada State Athletic Commission (NSAC) ang may kapangyarihan sa naganap na kontrobersiyal na laban.

Matatandaang lumabas sa naunang scorecards nina Jerry Roth ang 115-113 para kay Pacman, habang sina C.J. Ross at Duane Ford ay nagbigay ng 115-113 pabor naman kay Bradley. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.