Pacquiao vs Mayweather, Malabo Pa

 

NILINAW NG ISA sa malalapit na adviser ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao na wala pang katiyakan kung matutuloy sa susunod na taon ang pinakakahihintay ng marami na pagtutuos nila ni Floyd Mayweather, Jr.

Ayon sa boxing manager at close adviser ni Pacman na si Rex “Wakee” Salud, tsismis pa lamang ang kumalat na balita na positibo na ang paghaharap ng dalawa.

Noong nakaraang linggo lamang ay inihayag ng Golden Boy Promotions big boss na si Oscar dela Hoya na tiyak na mangyayari na rin ang Pacquiao-Mayweather showdown.

Hindi ito totoo sa dahilang wala pang nangyayaring negosasyon at wala pa ring napagkakasunduan, ani Salud.

Matapos ang laban ni Pacquiao kay Juan Manuel Marquez ay lalong umugong na mabubuo na rin ang negosasyon dahil sa hindi kumbinsidong performance ni Pacman na maaaring magbigay pa umano ng lakas ng loob kay Mayweather na ituloy na rin ang inaabangan ng mga boxing fans.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.