Pacquiao vs Marquez, may part IV pa?

LAS VEGAS – NAPANATILI pa rin ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao ang WBO welterweight crown nito matapos ang matagumpay na pagdepensa laban kay 3-division world champion Juan Manuel Marquez.

Bagama’t nabigong mapabagsak ni Pacman ang Mexican boxer, nasungkit nito ang panalo via majority decision.

Si Pacquiao ay nakakuha ng 114-114, 115-113 at 116-112 na paborableng iskor sa cards.

Marami naman ang humanga sa tibay at galing ng counter-punching ni Marquez kung saan malinaw na nahirapan si Pacman at muntikan na nitong ikatalo.

Sa post-fight interview, inamin ni Pacquiao na nahirapan itong hanapan ng butas ang depensa ni Marquez.

“I am very careful, because I know he’s just waiting for my punches,” ayon kay Pacquiao.

Sa Round 10, nagtamo ng vertical cut sa kanang kilay si Pacquiao kasunod ng unintentional headbutt.

Maaalala na noong 2004, nauwi sa controversial draw ang laban nina Pacquiao at Marquez sa kabila ng tatlong beses pinabagsak ni Manny ang kalaban sa unang round.

Sa kanilang rematch, nanalo ang pound-for-pound king sa pamamagitan ng split decision.

Sinasabing ang katatapos na trilogy ang magbibigay ng kasagutan sa mga pagdududa kung sino talaga ang nanalo sa nasabing mga laban.

Pero ayon naman kay Top Rank Promoter Bob Arum nakahanda umano itong bigyan ng Part IV ang Pacquiao vs Marquez rivalry.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.