Pacquiao vs. Hatton Post-Fight Interview Video

MULI NA NAMAN tayong pinahanga ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao sa pagpapatumba niya sa British boxer na si Ricky Hatton. Hindi lang ang mga taga-Pilipinas at taga-Britanya ang tumutok sa labanang ito kundi ang bawat panatiko ng boxing sa buong mundo. Nakita rin sa nasabing laro ang mga Hollywood Celebrities na sina P. Diddy at Mariah Carey. Ang mga kababayan nating pulitiko at artista ay naroon din upang magbigay ng suporta sa ating napaka-galing na pambato.

Tulad ng inaasahan, halos walang krimen na nangyari sa buong kamaynilaan. Lahat ay nakatutok at ang iba ay nakipagpustahan na. Madami naman ang nabitin dahil Round 2 pa lang napatumba na kaagad ng ating pambansang kamao ang kalabang briton. Hanep ka talaga, Pacquiao! Siguradong nahihiya na sa kanyang sarili sa si Floyd Mayweather Sr. dahil diumano’y tinawag niya si Freddie Roach ng Cockroach! Sino ngayon ang cockroach, aber?

Sabik na sabik na ang mga kababayan natin sa pagbabalik ng ating bagong bayani. Paniguradong dudumugin na naman siya sa kanyang parada at bibigyan na naman ng parangal. May mga ugong-ugong na tatakbo siya sa susunod na eleksyon, pero wag muna natin isipin yan. Congrats sayo, Manny! You’re so great, you know?!

Narito ang ilang bidyo na kuha pagkatapos ng laban mula sa Telegraph.co.uk/tv:

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.