Pacquiao versus Marquez Part V, Posible

POSIBLENG MAGHARAP ikalimang pagkakataon sina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez. Ito ang kaagad na pinalutang ni Top Rank promoter Bob Arum.

Sa isang panayam, naniniwala si Arum na panonoorin pa rin ng publiko ang muling pagsasagupa ng dalawa sa kabila ng na pagkatalo ni Pacquiao.

Binanggit pa ng promoter na minsan na umanong naglaban noon sina “Sugar” Ray Robinson at Jake LaMotta nang anim na beses, at maaari umanong lagpasan ito nina Pacquiao at Marquez.

“Why not? Why not? People love this action. ‘Sugar’ Ray Robinson and Jake LaMotta fought six times.”

Ayon naman kay Pacquiao, ipinauubaya umano niya sa kanyang promoter ang kanyang boxing career.

“No problem, it’s up to my promoter, that’s part of the game, that’s part of the fight.”

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.