Pacquiao, to produce a movie for Mommy Dionesia?!

OLA CHIKA! NAKALULUNGKOT mang isipin, kalat na kalat na talaga ngayon ang sakit na swine flu sa buong bansa o tinatawag na AH1N1 virus, na nagsimula pa sa bansang Mexico at kumalat sa mga karating-bansa. Kaya naman pati ang bansa natin, todo-alerto sa lahat ng mga dayuhang pumapasasok sa bansa, maging sa mga kababayan natin.

Hindi nga ligtas dito ang buong Team Pacquiao, dahil lahat sila, kailangang sumunod sa direktiba ng DoH (Department of Health).

Kaya walang sikat na personalidad o kahit sinong makapangyarihan ang dapat sumuway, dahil para sa kapakanan din naman ito ng lahat. Kahit ang Pambansang Kamao, kailangang i-quarantine nang halos limang araw, dahil galing ito sa ibang bansa. Ipinapayo ngang ipagpaliban muna ang victory parade ni Pacquiao dahil dito. Kahit nga beso-beso ay bawal.
Nakakalerke talaga! Nakakawindang ang virus na ito, ha?!

SPEAKING OF MANNY Pacquiao, excited na nga raw umuwi ang nanay nitong si Aling Dionesia, dahil gusto nang ipamigay ang mga nabili nitong mamahaling gamit na pasalubong sa mga friends, kapatid, at apo. Higit daw sa lahat, kaya gusto na niyang umuwi eh, dahil gusto na niyang sumayaw ng ballroom. Diyusku! Hindi kaya mabalian ng buto! Hahaha!
Nakakaloka ang nanay ni Pacquiao, ha?! Bukod sa ayaw nang magsuot ng mumurahing mga underwear dahil nangangati, may ibang hilig pa pala ito, ang ballroom dancing nga. Dapat i-try na rin niya ang street dancing, ‘di ba bongga?! Tingnan natin kung hindi siya maging experts sa pagsayaw. O, anong ma-sey n’yo?
Ngunit medyo hindi rin yata maganda ang pag-uwi ni Aling Dionesia dahil pati siya, hindi ligtas o excuse sa AH1N1 virus. Pati nga kasi siya, iku-quarantine, at bawal ding makipag-chikahan at magbeso-beso. Nakakalerke, huh! Chika ng aking parazzi girl, dapat isang kilometro ang layo. May ganu’n?
At hindi lang ‘yan, dahil balak din pa lang pasukin ni Aling Dionesia ang mundo ng showbiz. Hahaha! Bukod sa mamahaling relo na ibinigay ni Manny sa kanya para sa kanyang birthday, kakausapin daw niya ang anak na i-produce siya ng pelikula, ha?!
Naloka ako! Hindi ko maisip kung ano ang kalalabasan. Naku tama na! I’m sure hindi ipa-pirate ‘yan! Hahaha! Naku ha?! Ano’ng ma-sey n’yo? ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

13 thoughts on “Pacquiao, to produce a movie for Mommy Dionesia?!

  1. Yung MAMITA ginaya nila kay Helen Gamboa kc yun ang twag sa kanya ni dave Sa Tayong Dalawa.Sose na ngayon yung NANAY ni Manny gusto Mamita o kaya Mommy na! hahahhhhhhh Kakatawa naman ayaw na ng SOEN na panty ang gusto CK. Victoria , DKNY.. etc ect……. ehh dati hindi naman ganyan. I hope sana hindi sila magbago alam naman kc ng lahat ng mga tao na mayaman na sila wag lang sabihin na nangangati sa murang panty ehh bakit dati hindi…..And one more thing bat yung TATAY ni Manny hindi man lang pini feature?????

  2. Mamita sounds better. Ka level ni Pilita Corrales. Taray mo Mamita Dionisia. Huwag kang mag papa Belo OK. Kahawig na kahawig mo ang pambansang kamao. Baka ka masyadong gumanda kung mag gluglutathione ka. Hindi ka na namin makikilala. Mainggit pa si Pilita sa iyo.

  3. hindi nman c mami dionesia un ngsbi na tawagin na lng xa ng mami dionesia. kundi un ibang tao. kung skali nmn, ano namn un pgbigyan un matanda sa kanyang munting kahilingan. eto na ang panibagong krung krung ng pinas at ang pambansang ina ng bayan.. welcome to the world of showbiz MOMMY DIONISIA..

  4. MAYROON AKONG SUGGESTION SA PELIKULA NI MAMITA DIONESIA. . .”ANG MAHIWAGANG KATYANG SALAWAL ” NA SEQUEL NANG MAHIWAGANG KAMISON. ANG ROLE NIYA RITO AY BALLROOM DANCER AT SALAWAL NA YARI SA KATYA AT BRA NA MARAMING SEQUINS GAYA NANG SUOT NIYA SA LAS VEGAS ANG COSTUME NIYA RITO. ANG LEADING MAN NIYA AY SI LITO ATIENZA NA KA LOVE TRIANGLE NI CHAVIT SINGSON. SI MARTIN NIVIERA ANG GAGAWA NANG SOUND TRACK PERO INSTEAD OF LUPANG HINIRANG, STAR SPANGLED BANNER ANG KAKANTAHIN NIYA PARA WALANG SABIT SA MANGA PULITIKO NATIN. DITO SA LAS VEGAS ANG SHOOTING PARA HINDI HULIHIN SI MAMITA DIONESIA NANG KAPULISAN NATIN DAHIL SA SUOT NIYA. ACCEPTED NA ACCEPTED ANG LAHAT NANG KLASE NANG TAO RITO SA VEGAS, MAGANDA MAN O PANGIT. BIGYAN SI MAMITA NANG SUPPLY NANG
    CORTIZONE IN CASE NA MANGATI ANG KANYANG BALAT AT . . .DAHIL SA KATYA. ISA LANG PAALAALA, KUNG MAMIMIGAY NANG LIBRENG TICKETS PARA PANOORIN SIYA, HUWAG NAMANG FAKE OK! IYON LANG.

  5. machuraka- the way you write represent how crab you are.so what if manny’s mom wants to be called mommy??? gosh napaka sarcastic mo naman..one classic example of a crab who is kulang sa pansin sure ako na kahit friends mo nasusuka sa iyo..at hindi langaw ang mom ni manny ok.. iba ang langaw sa alimango ikaw iyon…

    • what about you happyness? hoy, hindi mo ako kilala kaya wag kang magdunong-dunungan ok? kung ako ay crab, ikaw naman ay curacha, hahaha!

    • eh bakit ba ako lang ang pinanggigigilan mo? basahin mo nga ang mga comments tungkol kay aling dionisia mo at murahin mo rin sila, B…….h.

  6. alam mo tita swarding, mahirap talaga ang langaw pag dumapo sa kalabaw, hay naku, nakatapak lang dito sa amerika eh, nagdiliryo agad si inang dionesia. at ayaw na niyang patawag ng aling dionesia kundi mommy dionesia. Pakisabi lang po sa kanya na ang bagay lang na itawag sa kanya ay inang dionesia dahil at wag na siyang mangarap pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.