Pacquiao, target maging presidente

SA KAUNA-UNAHANG pagkakataon, inamin ni former 8-division world champion at Sarangani Rep. Manny Pacquiao na pinag-iispan nito ang posibleng pagtakbo bilang presidente ng bansa.

Ayon sa Pambansang Kamao, simula pa lang sa kanyang pagpasok sa larangan ng pulitika, ambisyon na nito na maging pangulo ng Pilipinas.

“When I started boxing, of course I was planning, you know, and thinking about getting to become a champion. So when I enter politics it’s the same thing,” ani Pacquiao.

Gayunman, aminado rin ang boksingero na nakasalalay sa kagustuhan ng Diyos ang lahat ng kanyang plano at pangarap.

Sa ngayon, si Pacquiao ay kasalukuyang naghahanda para sa return fight kontra kay Brandon “Bam Bam” Rios sa November 24.

Una na ring sinabi ni World Boxing Organization (WBO) VP for Asia-Pacific Leon Panoncillo na may nakatayang titulo sa pagharap nina Pacquiao at Rios kung saan isang espesyal na belt ang iuuwi ng tatanghaling WBO international welterweight champion.

Matatandaan na ang dating korona ni Pacquiao ay naagaw sa kontrobersyal na laban kay Tim Bradley.

Samantala, habang si Rios naman ay dating kampeon sa lightweight at junior welterweight division.  

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

One thought on “Pacquiao, target maging presidente

  1. Wala ka namang alam magpre presidente ka pa ? Kapal ng mukha mo. Lagi ka ngang absent pero kumokolekta ka pa rin ng pork barrel. Kapal mo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.