Pacquiao pinakamayamang mambabatas

LUMALABAS NA pinakamayaman pa rin sa mga mambabatas si Pambansang Kamao at Saranggani Rep. Manny Pacquiao.

Ito ay batay sa isinumiteng Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) ng naturang kongresista.

Ayon kay Records Management Service Director Atty. Ricardo Bering, mas mataas ng ilang milyon mula sa P1.3 bilyon na kanyang idineklara noong 2010 ang kanyang kasalukuyang networth.

Sa ikalawang sunod na taon, hawak pa rin ni Pacquiao ang rekord bilang pinakamayamang miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na sinundan naman ni dating unang ginang na si Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos na mayroong P932 milyon.

Samantala, pinakamahirap pa ring mambabatas si Anakpawis Party-List Rep. Rafael Mariano na mayroon lang P46,946 networth. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.