Pacquiao, niluto!

NILUTO ANG laban ni Manny Pacquiao kontra Timothy Bradley ng Amerika.

Ito ang paniniwala ng libo-libong nakapanood ng bakbakan sa Las Vegas, Nevada kahapon nang tanghaling bagong WBO World Welterweight Champion si Bradley via split decision matapos ang 12 round. Sa official scorecards, binigyan ni Judge Jerry Roth ng score si Pacquiao ng 115-113, habang nakakuha naman ng parehong 115-113 si Bradley mula kina C.J. Ross at Duane Ford.

Ayon naman sa isang punch statistics na kumakakat sa mga social networking sites, malayong-malayo ang lamang ni Pacquiao kay Bradley, taliwas sa desisyon ng mga hurado.

Sa tala ng Compubox, lumalabas na may 253 suntok ang itinapon ni Pacquiao kumpara sa 159 ni Bradley. May kabuuang 34% ito sa 19% ni Bradley.

Sa 253 jabs din na pinakawalan ni Pacquiao, 63 rito ang tumama kay Bradley. May kabuuang 24% ito kumpara sa 449 jabs na pinakawalan ni Bradley, kung saan 51 lang ang tumama o kabuuang 11%.

Halos ganito rin ang resulta sa power punches ni Pacquiao, kung saan sa 493 na pinakawalan nito, 190 ang tumama o kabuuang 39% kontra sa 390 power punches ni Bradley na 108 lang ang tumama o may 28%.

Sa mga social networking sites din ibinuhos ng maraming fans ang kanilang pagkadismaya sa desisyon ng laban, kung saan maging ang mga Hollywood celebrities ay hindi nagpaawat sa kanilang saloobin.

Nanguna sa mga trending topics ng Twitter ang #MannyPacquiaoIsStillTheWorldsBestBoxer, patunay na ang People’s Champ pa rin ang may hawak ng korona.

Sa tweet ng US pop singer na si Katy Perry, naniniwala siyang si Pacquiao ang nagwagi. “#RIPBoxing #MannyPacquiaoIsStillTheWorldsBestBoxer The whole world is disappointed just look at the TT. But we all know who really won!”

Dismayado naman sa boxing si Justin Timberlake. “I’m gonna let it go… After I say this… Boxing was RUINED tonight for me.

Sa tweet naman ng American Idol runner-up na si Jessica Sanchez, “Congrats to the winner but I’m still really upset about the results :(”

Maging si Oscar De La Hoya ay hindi kampante sa desisyon, na dapat hindi tinanggap ni Bradley ang desisyon. Aniya sa kanyang tweet, “Bradley should have given the belt and announce victory to pacquiao right after the decision.

Tila ninakawan naman si Pacquiao matapos matalo kay Bradley. Ito ang paniwala ng dalawang beteranong sports analyst na sina Ronnie Nathanielsz at Atty. Ed Tolentino, na kapwa ikinagulat ang pagkatalo ni Pacquiao.

Sa panayam sa kanila sa DZMM TeleRadyo, sinabi ni Nathanielsz na, “Sinabi nila walang krimen sa Pilipinas ngayon, subalit may malaking krimen doon sa Las Vegas. That was the biggest robbery that I have seen in a long, long time.”

“These judges, I don’t know where they came from, these guys. ‘Yung score cards ko, eight rounds to Pacquiao, four to Bradley. And that is by stretching it for Bradley,” paliwanag pa ni Nathanielsz.

“Ito kahit tulog ka eh, kahit kindergarten, kahit hindi pa nakakatapos ng K+12 alam kung paano i-decide ang laban na ito. They robbed him blind,” sabi naman ni Tolentino.

Maging si Floyd Mayweather Sr., sinabing si Pacquiao ang dapat na nanalo sa laban.

Hiyang-hiya naman ang promoter na si Bob Arum. “I’ve never been so ashamed to be part of boxing as I am tonight.”

Sinabi ba ng Top Rank CEO patungkol sa judges, “They don’t know how to score. This wasn’t a close fight. This is not good for the sport of boxing.”

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.