Pacquiao, naka-resbak kay Bradley

NAKARESBAK DIN si Manny Pacquiao nang talunin nito via unanimous decision si Timothy Bradley para muling tanghaling WBO welterweight champion sa kanilang rematch sa Las Vegas.

Matatandaan na sa unang laban ng dalawa noong 2012, nagwagi ni Bradley bagama’t marami ang naniwalang dapat si Manny ang nanalo.

Sa muli nilang paghaharap, pinadapa ng Pambasang Kamao ang American boxer sa iskor na 112, 116-112, 118-110.

Maging si Bradley ay aminadong mas magaling sa kaniya si Pacman.

“He’s a better fighter than me,” pahayag pa ng boksingero.

Sa Round 1, kaagad nagpakawala ng mga body shots si Bradley na nasundan pa ng isang solid uppercut at right straight.

Sa Round 2, bumawi si Pacquiao kung saan nagpaulan naman ito ng jab-upper combo.

Bahagya rin nitong nasaktan ang kalabang boksingero sa isang solid left.

Sa pagpasok naman ng Round 3, muling bumawi si Bradley sa kanyang mga binitawang kumbinasyon at uppercut.

Sa Round 5, muling bumanat ng combo punches ang Amerikanong boksingero bagama’t hirap itong patamaan si Pacman.

Sa Round 7, nakakuha nang solid right hook at straight left si Pacquiao dahilan upang matinag ang kalaban.

Pagdating sa Round 9, pawang jabs lamang ang itinugon ni Bradley sa mga kumbinasyon ni Pacquiao ng right hook at left straights.

Nang sumapit na ang Round 11, bahagyang bumawi ang American boxer sa kanyang counter right bagama’t bigo itong magpakawala ng follow-up.

Sa huling round, isang perfect lead left ang pinakawalan ni Pacquiao kung saan gumanti si Bradley sa pamamagitan ng head butt dahilan upang magtamo ng sugat sa kaliwang mata ni Pacman, ngunit hindi ito naging dahilan para hindi masungkit ng Pinoy boxer ang kampeonato.

Hindi rin halos magkamayaw ang mga hiyawan ng mahigit 15,000 live audience sa loob ng MGM Grand Garden Arena para sa Pambansang Kamao.

Maayos namang naaawit ng Fil-Am singer na si Jessica Sanchez ang ‘Lupang Hinirang’ para sa Philippine National Anthem.

Marami rin ang huma-nga sa pag-awit ni Ashanti ng American National Anthem na ‘Star Spangled Banner’

Samantala, tila may halo namang kantiyaw ang komentaryo ng boxing legend na si Lennox Lewis sa naging panalo ni Pacquiao sa rematch kay Bradley, sinabi nito ang pagkakaiba sa pagkakataong ito na ang laban ay tumama na rin sa pagbibigay ng score ang mga judges.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.