Pacquiao-Mosley fight, napanood nang libre sa Navotas

NAPANOOD NG LIBRE ng mga Navoteño ang laban ng Pambansang Kamao Manny “Pacman” Pacquiao at Sugar Shane Mosley matapos magbigay ng libreng pay-per-view ang lokal na pamahalaan ng Navotas City sa mga residente para sa mga manonood ng nasabing laban kahapon.

Ayon kay Navotas City Mayor John Rey Tiangco, sa loob ng Navotas Sports Complex ay naglagay ng malaking screen sa  upang makapanood nang maayos ang mga residenteng nakakuha ng libreng tiket at pati na rin sa labas ng naturang sports complex ay naglagay ng malaking screen, para sa mga residenteng hindi nakakuha ng libreng tiket.

Ang General Services Office (GSO) ang inatasan sa pamamahagi ng libreng tiket sa pamamagitan ng “first come, first served basis” nang sa gayon ay hindi magkaroon ng gulo sa pamamahagi ng passes, ganu’n din sa mga barangay hall na siya mismong namahagi ng passes sa kanilang nasasakupan.

Naging maayos naman ang ginawang libreng panonood dahil sa pakikipag-ugnayan na rin ng alkalde sa lokal na pulisya.            (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.