Pacquiao, Mag-Senado Muna Bago Mag-ambisyong Maging Pangulo – SB

PINAYUHAN NI House Speaker Feliciano Belmonte Jr. at ilang mambabatas si Peoples Champ at Saranggani Rep. Manny Pacquiao na huwag munang ambisyuning tumakbong Pangulo ng bansa sa 2016 sakaling magretiro ito sa pagbo-boksing.

Sinabi ni Belmonte na mas mabuting huwag munang tumakbo si Pacquiao sa pagiging presidente at sa halip ay magsanay muna ito sa pagiging senador dahil bata pa naman ito.

Si Pacquiao ay 34 na taong gulang pa lamang at ang kwalipikadong tumakbo sa pagka-pangulo base sa konstitusyon ay 40-anyos.

Ayon pa kay Belmonte, base sa Kons¬titusyon maaari namang tumakbo ang sinuman na na-tural born Filipino, nasa tamang edad, marunong magbasa at magsulat.

Payo naman ni Gabriela partylist Rep.Emmie de Jesus kay Pacquiao, marami pa itong dapat gawin sa kanyang mga kababayan sa Saranggani kaya’t mas makakabuti umanong ito muna ang atupagin ng boksingero.

Mas mabuti umanong magkaroon ng “focus” sa kanyang mga responsibilidad si Pacman kaysa ituon ang pansin sa 2016 elections dahil marami pang puwedeng mangyari.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.