Pacquiao, Maaaring Makaligtas sa Isyu sa BIR

POSIBLENG MAKALIGTAS si Sarangani Rep. Manny Pacquiao sa paghahabol ng Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil sa hindi umano nabayarang mahigit P2 bilyong buwis.

Ito ay kung maisasabatas ang House Bill 3506 na inihain ng walong miyembro ng independent minority sa pangunguna ni Buhay partylist Rep. Lito Atienza.

Base sa ilalim ng nasabing panukala, ini-exempt sa buwis ang premyong mapapanalunan ng Pambasang Kamao sa mga amateur at professional local at international competitions na aprubado ng national sports association o ng alinmang international sports association.

Itinatakda pa ng panukala na ang tax exemption ay mapapairal sa premyong napanalunan sa mga kumpetensiyon sa nakalipas na 10 taon bago ang approval at pagpapatupad ng panukalang ito.

Ang tax incentive na ito ay pwedeng i-avail ng nanalong atleta na mayroong nakabitin na tax assessment, tax case o warrants mula sa BIR.

Ang atleta naman na nakapagbayad na ng buwis ng kaniyang napanalunang premyo sa nakalipas na 10 taon ay maaaring mag-apply para sa tax credit.

Aminado naman ang mga may akda ng nabanggit na panukala na inihain ito matapos ang kontrobersiyang kinasangkutan ng boksingero dahil eye opener umano ang ginawa dito ng BIR.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

One thought on “Pacquiao, Maaaring Makaligtas sa Isyu sa BIR

  1. Pingback: Pacquiao, Maaaring Makaligtas sa Isyu sa BIR - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.