Pacquiao, Kaya pa ang 3 Laban

HINDI PA man naikakasa ang susunod na laban, inihayag na ni dating 8-division world champion Manny  ‘Pacman’Pacquiao kung i-

lang laban pa ang kakayanin bago tuluyang magretiro.

Sinabi ni Pacquiao na maituturing pa siyang bata sa edad na 34-anyos kaya’t kaya pa niyang lumaban nang hanggang tatlong beses.

Samantala,  patuloy ang pag-uusap sa pagitan nina Top Rank big boss Bob Arum at kampo ni Mexican boxing champion Juan Manuel Marquez para sa gagawing Part V fight.

“Besides, I am just 34 (years old),” pahayag ni Pacman sa isang panayam. “Maybe, one or two or the most is three.”

Pag-amin naman ni Pacman, bago matapos ang May elections ay pag-uusapan na niya ang susunod na laban.

“I am focused in this election so a September date is perfect for me,” ani Pacquiao.

Nangako rin si Pambansang Kamao na sakaling matuloy ang Marquez fight, babangon siya at hindi na mauulit ang nangyaring one-punch knockout.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.