Pacquiao-Hatton fight rates 56.7 percent

MULING PINATUNAYAN NI Manny Pacquiao kung gaano siya kalakas sa mga tao dahil kahit na-preempt pa ng ABS-CBN 2 na panalo siya sa laban nila ni Hatton nu’ng nakaraang Linggo, ang dami pa ring naghintay para panoorin ito sa GMA 7.

Marami nga lang nairita sa dami ng commercials pero kailangang isiksik dahil hanggang pangalawang round lang kasi ang laban.

Ayon sa survey ng AGB, nu’ng mismong laban nina Pacquaio at Hatton mula 1:45 hanggang 3:30 ng hapon, nakakuha ito ng 56.7 percent. Kaya talagang tumigil ang buong Pilipinas at zero crime-rate nga raw sa Maynila, dahil lahat ay tumutok sa TV para panoorin ang labang iyon.

Kaya congratulations kay Manny Pacquiao at dagdag na karangalan na naman ito sa ating bansa.

Sa Biyernes ang dating ni Manny at siyempre, may malaking selebrasyon na ihinahanda para sa kanyang pagwawagi.

Ang pinakabongga ngayon sa Amerika ay si Aling Dionisia dahil bongga ang birthday gift na ibinigay sa kanya ni Manny at todo-shopping siya roon. I’m sure!

by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.