Pacquiao, ‘di pa tagumpay sa desisyon ng korte – BIR

HINDI PA umano maitutu-ring na tagumpay para kay Pambasang Kamao na si Manny Pacquiao, ang desisyon ng Court of Tax Appeals (CTA) na pumipigil sa Bureau of Internal Revenue (BIR) sa pag-freeze ng assets ng boksingero.

Sinabi ni BIR Commissioner Kim Henare na ang naturang desisyon ay hindi nangangahulugan na pinal na.

Magkakaroon pa aniya ng full blown trial sa naturang usapin.

Inihayag pa ng BIR chief na magiging epektibo lang naman ang kautusan ng Court of Tax Appeals kung magbayad ng cash bond si Pacman na higit P3 bilyon o halos katumbas na rin ng sinisingil na buwis sa kanya ng pamahalaan.

Una nang binanggit ni Pacquiao na nagpapasalamat siya sa tulong nina Pangulong Benigno ‘Noynoy’Aquino III at Kim Henares, dahil pinagbigyan ng korte ang kanilang hiling na bawiin ang freeze order laban sa kanyang mga ari-arian.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.