PACMAN, SINUNGKIT ANG IKA-8 KORONA

NABIGO MAN SI Pambansang Kamao Manny Pacquiao na pabagsakin ang tinaguriang Buhawi ng mga Mehikano na si dating  three-time world champion Antonio Margarito, nakopo naman niya ang pagiging 8th division world champion at bagong World Boxing Council Super-Welterweight Champion.

Sinabi ni Deputy Presidential spokesperson Atty. Abigail Valte na isang malaking karangalan sa mga Pilipino ang pagkapanalo ni Manny Pacquiao.

Si Pacman din aniya ang dahilan ng pagkakaisa ng sambayanang Pilipino dahil nakatutok ang lahat sa laban nito kay Margarito.

Sa ulat, sinabi naman ni Pacman na “I felt pity to my opponent, looking in his eyes and his bloody face.”

Sa harap ng record-breaking na 75,000 attendance sa Dallas Cowboys’ Stadium sa Arlington, Texas, nagtala ng lopsided victory ang Filipino ring icon.

Bagama’t malaki ang naging lamang ni Margarito sa kanyang height na 5’11” at 17 pounds na mas mabigat kay Pacquiao, walang nagawa ang Mexican fighter kundi tumiklop sa tuwing tinatamaan ng mga powerful punches ni Manny.

Bago ang Round 6, halos hindi na maidilat ni Margarito ang kanyang mata dahil sa sobrang pamamaga.

Sa panayam kay Pacquiao, sinabi nitong kayang-kaya niyang pabagsakin si Margarito subalit naawa na umano siya sa kalaban.

“I did my best to win the fight. I can’t believe it. He’s very tough and strong. I never expected that,” ayon pa kay Pacquiao.

May pagkakataon pang nakiusap si Pacman kay referee Lawrence Cole na tingnan ang mata ni Margarito.

Base sa scorecards ng mga judges na sina Jurgen Langos 120-109, Glen Crocker 118-110, at Oren Schellenberger 119-109 lahat pabor kay Pacquiao para sa unanimous decision.

Dahil sa huling panalo, hawak ngayon ni Pacquiao ang professional boxing record na 52-3-2.

(ANTAX EMPLEO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.