PACMAN, RUMESBAK SA BUMABANAT SA KANYANG TWEET!

NAKAKAALIW NA MALAMANG may time pa palang mag-tweet si Manny Pacquiao sa kabila ng kanyang busy schedule. At ang mas nakakaaliw, nakukuha niyang pag-aksayahan ng panahon ang mga bumabatikos sa kanya sa pamamagitan ng nasabing social networking site.

Partikular na nilalait kasi ang mali-maling pag-i-Ingles ni Pacman. Bilang sagot, idinadaan na lang niya ito sa “sarcasm”. Palibhasa raw kasi ay mataas ang pinag-aralan ng nag-tweet, kaya asensado ito sa buhay.

Magsilbi sanang aral ito sa ilang umaalipusta kay Manny lalo’t ang ibinubutas naman nila’y walang kinalaman sa kanyang pagiging world-class boxer. Hindi nasusukat sa pagsasalita ng tamang Ingles ang ikaaangat ng isang tao sa buhay, lalung-lalo nang hindi ito pamantayan ng pagkatao ng isang tao.

Bagama’t may advantage ang isang taong matatas sa lengguwahe ng mga ‘Kano, hindi nga puwedeng gamiting passport ito para makatuntong sa Amerika, ‘no!

Tigilan na ang kaipokrituhang ito, ‘no!

BLIND ITEM: HINDI na nagtataka ang isang grupo ng nakahunta-han ng isang TV/film director kung bakit ganoon na lang kamaldita ang isang sikat na lady broadcast journalist.

Naging kamag-aral pala ni Direk ang hitad sa isang reputable college sa Maynila. Sa isa nilang major subject ay ginrupo raw sila ng kanilang professor para gumawa ng project.

Nagtaas daw ng kamay ang babaeng mamamahayag, puwede raw bang hindi siya makihalo sa grupo at gagawa na lang daw siya ng sariling project.

Imbes na sumang-ayon ang titser, nagalit daw ito sa hitad. Maluwag daw ang pintuan papalabas ng kanilang classroom, kung ayaw nitong sumunod sa professor. Natameme ang hitad.

Napa-“Aaaahhh…” na lang ang pinagkuwentuhan ni Direk bilang realization na no wonder, dala-dala ng lady newscaster na ‘yon ang kanyang “hostile attitude”. Malayung-malayo ito sa ipino-project niyang public image, na lalo pang ikinukubli ng kanyang sweet smile kuno!

In fairness, her impressive track record in the field of news reportage has earned her the respect she deserves… talagang meron siyang “K”!

NO DOUBT, TV5’s Talentadong Pinoy, the country’s biggest talent show on primetime, is scaling even greater heights. Ito’y lalo’t limang tulog na lang ay gaganapin na ang Ultimate Battle of the Champions at the Ynares Center sa Antipolo City.

Napili na nga ang wild card finalist kahapon na siyang makakatunggali ng walong Hall of Famers na kinabibilangan nina Beatbox Gor, Joseph the Sand Artist, The Believers, New Born Divas, Sfazhiva, Zion Show, Fire Attraction at RR Friends.

With an estimated capacity of 7,000, tiyak na jampacked na naman ang Ynares Center on March 12 and 13 as Talentadong Pinoy’s Ultimate Battle of the Champions rages!


Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

17 thoughts on “PACMAN, RUMESBAK SA BUMABANAT SA KANYANG TWEET!

  1. pinahiraoan nyom lng sarili nyo kay pacman ako proud nman ako s knya pero hndi sapat un pra tanggapin ntin gnagawa nya,,kawawa nman asawa nya

  2. In fairness sa'yo Ronnie, pagdating kay Pacman pareho tayong saludo sa kanya. Kahit ano pa man ang sasabihin ng mga naiingit kay Pacman cya at cya pa rin ang natatanging tinitingala ko. Mauugnay man ang kanyang pangalan sa ibat ibang babae dyan hindi pa rin matutumbasan ang karangalang hatid niya sa bayan.

    • so, ok lang pala sa iyo ang mambabae dahil nakapag-uwi ng karangalan? Ok rin ba sa yo kung lokohin ka ng asawa mo o kung single ka pa, ng magiging asawa mo? Sa dami ng mga anak niya sa labas at sa loob, hindi malayong sundan nila ang yapak ng kanilang ama dahil iisipin nila na okay lang ang mambabae o manlalaki. Anong klaseng mentality ka meron? Hay nako, kaya maraming pinapatay ng asawa dahil sa mga katulad mong makitid ang pag-iisip.

      • ….T…A…M…A….!!!macho at may mapera nga ang jowa mo,kaso kung kanikanino dumadapo…..hindi ko yata kaya yun makatabi sa gabi…..AYOKO!!!……baka mag-uwi pa yun ng sakit hah.

      • Ako rin, hindi ko yata masikmura na parang ginagawa lang ako ng gago. Ang matatawag doon ay walang respeto sa asawa ang babaero kasi kung minahal mo talaga ng tapat at may respeto ka sa isang tao, hindi mo gawin ang bagay na mali at ikinasakit ng damdamin ng asawa mo.

  3. Pingback: PACMAN, RUMESBAK SA BUMABANAT SA KANYANG TWEET! | Blind Children | Schools For The Blind | Coping With Blindness

  4. papano naman kasi ronnie, masyadong th si pacman mag-ingles. Alam naman ng mga tao kung hanggang saan ang natapos niya, bakit hindi na lang siya mag-post sa ating wika, maiintindihan naman siya ng mga twitters. O dili kaya eh kumuha na lang siya ng taga-type niya, ung magaling mag-ingles ha? :-)

    • Agree, sa dami naman ng pera nya, he can afford an English tutor eka nga kasi kailangan nya yon dahil sa political position nya. Oo agree ako sa sinabi sa writer na "hindi nasusukat sa pagsasalita ng tamang english ang ikinaangat ng isang tao sa buhay, lalung lalo nang hindi ito pamantayan ng pagkatao ng isang tao". Pero mas mabuti kung i further nya ang paghusay ng kanyang English lalo nang he is into politics, at para naman good example sya sa ibang mga kabataan, na maski galing sya sa wala pero natutong makapag English ng mabuti. Maski ano pang sasabihin natin, ang English superior na wika, kaya nga nagpunta sa Pinas ang mga Korean dahil ayaw nila maiwan sa global world market. Kaya huwag sana makitid ang ating mga utak dahil sa gusto at hindi natin, kung magaling kang mag English at nag apply ka ng trabaho sa atin, mas maka attract ng attention yong magandang magsalita ng English kaysa sa baluktot na mag English lalo na kong office job or bank job ang inaapply natin. Kita niyo ba iyong nagtratrabaho sa Information Technology, mga magagaling mag English dahil pinag aralan nila yon ng mahusay para matanggap. Kung mag apply ka ng Information technology na trabaho sa pinas, yon ang unang tingnan nila king makapag English ka ng maayos. Instead na mag sarcasm si Pakman ng sagot, sana nagpa humble na lang siya na nobody is perfect and I'm doing my best to learn the language. Hindi na lang sana sya nagsasabi ng kung ano ano pa dahil galing din naman sya sa wala kagaya ng mga milyones na mga pilipino, may angat lang siya dahil lang sa mga kamay nya. Nagpakatotoo lang po.

      • do u know the reason why he tried to tweet ng english???? and cgro nman alam mong international icon xa db?he just wanted to be fair to all his followers..pra lahat ng tao n nag follow s knya mkakaintindi sa tweet nya kya xa nag english…
        regarding dun sa suggestion mo n kumuha nlng xa n someone hu cud write excellent english, sinagot n rin nya un…he opted to keep his twitter acct personal kc ayaw nya na sbhin ng mga tao na nanloloko xa dhil hndi nmn nya tlga kayang mgsalita ng straight english which u expected from him.. panu p nga b xang maging pacman kung hindi bako-bako english nya..eh un ang kaya nya at jan sa nakilala eh…
        and yes he has his english tutor pero for god sake give him some tym naman..mas mahirap nmn tlgng turuan ang matatanda kumpara sa bata..

      • Yan din ang ibig kong sabihin na to further his education sa English by hiring a tutor, hindi instant na gumaling kaagad ang English nya, it will take some time but the fact that he is doing his best to learn the language is a good thing. Si Melanie Marquez din di ba she was ridiculed noon dahil sa English nya, and it took her awhile to be where she is right now kasi nag-aaral sya at ngayon marunong na sya mag English. Tiyaga at dedication lang yon at ang importante sa lahat na ano mang mga negative comment sa atin, take it in stride as a constructive criticism and do something about it to better yourself. Yon lang.

      • oh yeah, you got it right! Meron kasabihan na " old dogs never learn new tricks", lol!

Leave a Reply

Your email address will not be published.