Packed-up na agad kahit ‘di pa tapos ang mga eksena: show ng aktres, nabugok!

SINISISI NG STAFF at ng kanyang mga katrabaho ang isang aktres kung bakit dinesisyunan ng management na tapusin na agad ang isang daily primetime show. Halos kailan lang noong umere ito, the ones which came before this show have no definite farewell episode dates.

In a problematic state kasi ang isa sa mga bidang aktres ditto, her reportedly unstable psychological well-being as the culprit. Tila kasi ang kinakaharap nitong domestic hitch is like a luggage that she brings all the way to her place of work, kaya maging ang mga inosente niyang co-star ay apektado sa trabaho.

A case in point was a recent taping, kung saan all set na ang buong cast sa isang malaking eksenang kukunan. Kumpleto na ang iba pang major stars, support, bit players at ilan pang mga on-camera talents, pero hindi makarolyo ang mga camera dahil nasa loob pa ng dressing room ang aktres.

It took all of one and a half hours before the actress came out of her dressing room, kaya lihim tuloy siyang kinaaasaran ng kanyang mga kasamahan.

Karaniwan na rin daw estilo ng aktres na ito ang iligpit ang kanyang mga gamit bilang paghahanda sa pag-pack up ng direktor ng taping. May cut-off time kasi ang aktres, beyond 12 midnight ay dapat nakunan nang lahat ang kanyang mga eksena. Pero ang nakakatawa, wala pang alas-dose ng hatinggabi ay all set na siyang umuwi pero saan ka, ang dami pa palang sequence na kukunan sa kanya!

Dahil dito, kaysa patuloy sumakit ang ulo ng buong cast at staff, the management had to put its foot down: tapusin na ang palabas na ‘yon. Like an egg waiting to get hatched, nakakalungkot na napisat ang itlog before it cracked open to see the cute, little chick inside it.

(By Ronnie Carrasco III)

loading...

13 thoughts on “Packed-up na agad kahit ‘di pa tapos ang mga eksena: show ng aktres, nabugok!

  1. just as I thought … si claudine to.. unfair sya sa mga kasamahan sa tigbak na show.. ayun tuloy sya tinigbak sa ending ng iglot… ang galing pa naman ng bata dun

  2. Hay naku, bakit kaya may mga taong kailangang manira ng iba para lang may makain o maipakain sa pamilya.  Nakakaawa ka carrasco sampu ng pamilya mo!

  3. Hay naku Ronnie Carrasco nakailang BI ka na about Claudine, hindi ka ba nagsasawa? ang laki ng galit mo sa kanya! nakakatawa ka na lang.

  4. Pingback: Packed-up na agad kahit ‘di pa tapos ang mga eksena: show ng aktres, nabugok! - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.